Ito ang tradisyunal na laro ng lahi na gumagamit ng isang mahabang kahoy na may mga butas, kung saan nag-iikot ng mga sigay (shells) o maliliit na bato ang dalawang manlalaro.
Sungka
Kailan cinecelebrate ang Rizal day?
December 30
Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo
Pako
Ang tanyag na aktibong bulkan sa Albay na kilala sa buong mundo dahil sa taglay nitong perpekto at magandang hugis cone (perfect cone)
Bulkang Mayon
Ito ang sikat na sabaw mula sa Batangas na pinapakuluan nang matagal kasama ang binti at utak sa buto ng baka.
Bulalo
Sa mga lumang kusina sa probinsya, ano ang tawag sa mababang bangko na may nakakabit na matalim na bakal na may ngipin na ginagamit sa manu-manong pagkayod ng niyog?
Kudkuran
Kailan ginugunita ang Araw ng kalayaan o Independence day
June 12
Kumot ng Hari, hindi mahati-hati
Tubig
Saang probinsya sa Visayas matatagpuan ang mahigit isang libong burol na tinatawag na "Chocolate Hills" dahil nagkukulay tsokolate ang mga damo nito kapag tag-araw?
Bohol
Ano ang tawag sa kanin na natira kagabi (bahaw) na muling niluluto kinaumagahan kasama ang maraming pinitpit na bawang para sa almusal?
Sinangag
Sa mga lumang kusina sa probinsya, ano ang tawag sa mababang bangko na may nakakabit na matalim na bakal na may ngipin na ginagamit sa manu-manong pagkayod ng niyog?
Po at Opo
Siya ang kauna-unahang naging presidente ng bansang Pilipinas
Emilio Aguinaldo
Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sakin
Sumbrero
Aling probinsya sa Cordillera region ang sikat sa mga kahanga-hangang Rice Terraces o Hagdan-hagdang Palayan na inukit ng ating mga katutubo gamit ang kamay libu-libong taon na ang nakalipas?
Ifugao/Banaue
Anong probinsya sa Western Visayas ang tanyag sa paggawa ng orihinal, mabango, at authentic na Chicken Inasal?
Bacolod/Negros Occidental
Anong uri ng tradisyunal na kasuotan para sa mga kababaihan ang sumikat noong panahon ng Espanyol na binubuo ng apat na bahagi: baro, saya, tapis, at panyuelo?
Baro’t Saya
Ano ang Filipino sauce na kulay pula?
Banana Ketchup
Kung tawagin nila ay "Santo" hindi naman milagroso
Santol
Anong makasaysayang pook sa loob ng Maynila ang kilala bilang "The Walled City" dahil napapaligiran ito ng makasaysayang pader na itinayo noong panahon ng mga Kastila?
Intramuros
Anong tanyag na kakanin mula sa Laguna ang parang cake o ___, na pinalamanan ng malalambot na karne ng batang niyog at gatas?
Buko Pie
Kapag ang isang bata ay naging anak sa binyag o kasal ng iyong anak, ano ang tawag mo sa magulang ng batang iyon upang ipakita ang inyong bagong ugnayan sa pamilya?
Kumpare / Kumare
Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap
Unan
Aling sikat na tulay sa Visayas ang nagdudugtong sa mga isla ng Samar at Leyte, na itinuturing na isa sa pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas?
San Juanico Bridge
Saan kilalang lungsod sa Pampanga nagmula ang orihinal na lutuing "Sizzling Sisig" na pinauso ng sikat na kusinerang si Aling Lucing?
Angeles City