Saang rehiyon ng Europa matatagpuan ang kabihasnang Minoan?
Timog Europa
Anong kakaibang ritwal ang ginagawa ng mga kabataang Minoan kung saan sila ay literal na tumatalon at bumabaligtad sa ibabaw ng isang sumasugod na toro?
Bull Leaping
Anong malaking kalamidad ang nangyari na nagdulot ng paghina sa ekonomiya at agrikultura ng Kabihasnang Minoan?
Pagsabog ng Bulkang Santorini
Ano ang tawag sa sinaunang paligsahan sa Gresya na kinalalahukan ng mga mamamayan at naglalaman ng iba't ibang laro?
Olympics
Saan nakasentro ang kapangyarihan at kultura ng Kabihasnang Minoan?
Isla ng Crete
Naging sentro ng kalakalan ang Kabihasnang Minoan dahil ang isla ng Crete ay matatagpuan sa estratehikong lokasyon sa gitna ng anong dagat na nag-uugnay sa Gresya, Egypt, at Asya?
Mediterranean Sea
Sino ang anak nina Zeus at Europa na naging hari ng Crete, kung saan sa kanyang pangalan isinunod ang katawagan sa sinaunang Kabihasnang Minoan?
Haring Minos
Anong dalawang pangunahing produkto ng agrikultura ang labis na pinagyaman ng mga Minoan at Mycenaean na ginamit din nila bilang pangunahing kalakal sa ibang bansa?
Olibo at Ubas
Ibigay ang katubigan sa paligid ng Gresya.
Mediterranean Sea
Black Sea
Aegean Sea
Caspian Sea