Siya ang pangunahing diyos ng mga sinaunang Pilipino na sinisimbolo ng kalangitan.
Bathala
Makulay na bangka na kilala sa Mindanao.
Vinta
Sinaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Tagalog.
Baybayin
Regalo o dower ng pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae bago ikasal.
Bigay-kaya
Paraan ng paghahanda ng pagkain na hindi ginagamitan ng apoy
Kilawin
Paniniwala na mayroong espiritu ang iba't ibang bagay sa kalikasan.
Animismo
Katutubong tahanan ng mga Ifugao na mataas at walang bintana.
Fale
Sila ang nagsisilbing unang guro ng mga bata sa sinaunang lipunan sa mismong tahanan.
Mga Magulang
Karaniwang namumuno sa seremonya ng kasal sa sinaunang panahon na ginaganap sa kanilang bahay.
Babaylan
Inaalok sa mga bisita bilang simbolo ng pagkakaibigan o panliligaw (dahon ng ikmo, bunga ng areca, apog).
Nganga
Siya ang itinuturing na diyos ng palay ng mga Ifugao.
Balul
Tahanan ng sultan ng mga Maranao na may malawak na bubong na hugis-salakot.
Torogan
Ilang simbolo ang bumubuo sa orihinal na Baybayin bago dumating ang mga Espanyol?
18
Kakaibang banga na natagpuan sa Palawan noong 1964 na ginagamit sa paglilibing.
Manunggul Jar
Sinaunang paraan ng pakikipaglaban at libangan na gumagamit ng dalawang yantok.
Kali (o Arnis)
Tawag sa diyos ng mga Muslim sa wikang Arabe.
Allah
Tahanan ng mga Isneg na ang bubong ay tila binaligtad na bangka.
Binuron
Sinaunang dokumento na natagpuan noong 900 C.E. na nasusulat sa sistemang Kavi.
Laguna Copperplate Inscription
Pamamanghikan ng pamilya ng lalaki kung saan itatarak ang sibat sa harap ng tahanan ng babae.
Bugay
Bukod sa tubo, bigas, at nipa, saan karaniwang nagmumula ang alak na inuming-bayan ng mga sinaunang Pilipino?
Niyog
Relihiyong ipinakilala ng mga mangangalakal na Tsino sa Pilipinas.
Buddhismo
Pangkalahatang tawag sa tahanan ng sinaunang Pilipino na gawa sa kawayan at kogon.
Bahay-kubo
Inilalagay sa simbolo ng Baybayin upang mabago o matanggal ang default na tunog na /a/.
Kudlit
Saan isinasabit ng mga katutubo sa Cordillera ang kabaong ng kanilang mga yumao?
Sa gilid ng bundok
Dalawang paraan ng pag-imbak ng karne ng mga sinaunang Pilipino upang hindi ito agad masira.
Pagpapatuyo at pagtatapa (Tapa)