Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag-tiyaga o mag-trabaho nang maigi.
Ilaw ng tahanan
Ina o Nanay
Habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot.
Dapat na ang tao ay matutong magtiis habang hindi pa dumarating ang tamang pagkakataon para sa kanya sapagkat ang bawat isa ay may kanya-kanyang oras kung kailan ang kanilang bituin ay magniningning.
Buto't balat
Sobrang payat
Ang kanyang ngit ay parang araw. Anong tayutay ang ginamit sa pahayag?
Simili - parang
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Kapag nasa matinding kagipitan, handa siyang gumawa ng kahit mapanganib o hindi kanais-nais na bagay upang makaraos.
Ibaon sa hukay
Kalimutan
Kung hindi uukol, hindi bubukol.
Anumang biyaya na nakalaan para sa isang tao ay tiyak na mapapasakanya kung ito ay kaloob ng Diyos para sa taong ito kapalit ng kanyang katapatan at kabutihan.
Balat-sibuyas
Sensitibo o maiyakain
Ito ay pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa isang bagay.
Personification
Batang puso, madaling marahuyo.
Ang taong may inosente o murang pag-iisip ay madaling malinlang o mapaibig.
Parang suman
Masikip ang damit
Ang taong naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
Ang mga taong nagmamadali o walang pag-iingat sa kanilang mga kilos ay maaaring mahulog sa mga delikadong sitwasyon o magkaroon ng hindi kanais-nais na kahihinatnan.
Kutong lupa
Sobrang liit
Ito ay isang uri ng tayutay na nag-uulit ng magkakatunog na katinig sa inisyal na bahagi ng mga magkakasunod o magkakalapit na salita ssa isang parirala o taludtod.
Aliterasyon
Kung saan nahihilig, duon din nabubuwal.
Ang labis na pagkahilig o pagkahumaling sa isang bagay ay maaaring magdulot ng kapahamakan o pagbagsak.
Amoy pinipig
Mabango
Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.
Ang mga taong mahilig magsinungaling ay hindi mapagkakatiwalaan, at posibleng magkaroon ng masamang intensyon o magkasala tulad ng isang magnanakaw.
Amoy-tsiko
Lasing o may alak
Hiningi ni Khrys and kamay ni Ven. Ano ang tayutay na inilalarawan sa pahayag?
Paglilipat-saklaw (Synecdoche) - Pagbanggit ito sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing. Saka ng maluto'y, Iba ang kumain.
May taong naghirap at nagpagod, ngunit iba ang nakinabang sa kanyang pinaghirapan.
Makapal ang palad
Masipag
Ang magalang na sagot, nakakapawi ng poot.
Ang mahinahon at magalang na pagsagot ay nakatutulong upang mapawi ang galit o sama ng loob ng kausap.
Bulanggugo
Galante sa gastahan
Paguyam (Sarcasm/Irony) - isang pangungutya o pangaasar sa isang tao o bagay.