Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa ______.
Hayop at malansang isda
Ano ang tradisyon kung saan kumakanta ang lalaki sa ilalim ng bintana ng nililigawan?
Harana
“Ang buhay ay weather-weather lang.”
Kim Atienza / Kuya Kim Atienza
Anong sikat na pulbos na kendi noong kabataan ng maraming Pilipino ang kilala sa sobrang tamis at pino nitong pormula kaya madalas itong “nakakasamid” kapag nasobrahan ang dami o naisinghot habang kinakain?
MikMik
Ano ang Pambansang Isda ng Pilipinas?
Bangus
Sinaunang alpabeto ng mga Pilipino?
Baybayin
Sa mga pamahiin, kapag nalaglag ang tinidor, anong kasarian ng bisita ang darating?
Lalaki
"You're nothing but a second-rate, trying hard copycat!"
Cherie Gil
Sa tradisyunal na larong Pinoy na Nanay, Tatay, anong dalawang bagay ang hinihingi ng bata sa nanay at tatay pati na rin sa ate at kuya niya?
Tinapay at Kape
Ano ang Pambansang Bulaklak ng Pilipinas?
Sampaguita
Sino ang sumulat ng "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan" at "ABNKKBSNPLAKo?!"
Bob Ong
Sa mga pamahiin, ano ang ibig sabihin kapag nakakita ka ng itim na pusa?
Malas / Mamalasin
"Akala mo lang wala... pero meron! Meron! Meron!"
Carlo Aquino
Sa larong Pinoy na Patintero, ano ang tawag sa lider ng koponan at pinakamalakas na tagapagtanggol na may kakayahang gumalaw sa unang crosswise line at sa buong haba ng gitnang linya?
Patotot
Ano ang Pambansang Sayaw ng Pilipinas?
Cariñosa
Sino ang may-akda ng "Florante at Laura"?
Francisco Balagtas
Ano ang tawag sa kaugalian ng hindi pag-uwi agad pagkatapos dumalaw sa burol?
Pagpag
"I eat death threats for breakfast!"
Miriam Defensor Santiago / Miriam Santiago
Sa mga batang lumaki noong 90s hanggang early 2000s sa Pilipinas, ano ang tawag sa kilalang bubble gum na may kasamang komiks sa wrapper at sikat na sikat sa pagbubuo ng malalaking bula?
Bazooka
Ano ang Pambansang Awit ng Pilipinas?
Lupang Hinirang
Sa nobelang Noli Me Tángere ni Jose Rizal, sino ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra?
Maria Clara
Ano ang tradisyonal na pagdalaw sa bahay ng pamilya ng babae bago ang kasal?
Pamamanhikan
"I shall return"
General Douglas MacArthur / Douglas MacArthur
Anong tradisyunal na larong Pinoy tuwing pista ang kung saan ang mga kalahok ay kailangang umakyat sa isang makinis at may grasa na poste upang makuha ang nakasabit na premyo sa itaas?
Palo Sebo
Ano ang Pambansang Wika ng Pilipinas?
Filipino