Isang malalim na pagkaunawa at kamalayan sa kasaysayan, partikular sa konteksto ng paghubog ng pambansang pagkakakilanlan, kolektibong alaala, at kasalukuyang realidad.
Kamalayang Pangkasaysayan
Ang tsismis ay isang halimbawa ng primaryang batis
Fa - ke o Mali
isang elemento ng kasaysayan na nagpapahayag ng mga karakter, tauhan, o mga taong nakasama sa isang makasaysayang pangyayari
tao
isang elemento ng kasaysayan kung saan naganap o ginanap ang isa o higit pang pangyayari sa nakalipas na panahon
lokasyon
Ito ay tumutukoy sa mga rehiyong "nasa itaas ng agos" o sa kabundukan; ang interyor na bahagi ng isang isla.
Ilaya
Ayon kay Zeus Salazar, ito ang mga salaysay na may saysay sa mga pinagsasalaysayan nito.
Kasaysayan
Ang kasaysayan ay mahalaga lalo kung ito ay may kapakinabangan sa mamamayan
Re-yal (Tama)
Ipinakilala niya ang konsepto ng Pantayong Pananaw sa pag - aaral ng kasaysayan
Zeus Salazar
Ito ay tumutukoy sa mga rehiyong "nasa ibaba ng agos" o sa baybayin; mga komunidad sa bunganga ng ilog
Ilawod
Ito ay isang kolektibong termino para sa mga grupo sa hilagang Luzon gaya ng Bontoc, Kankana-ey, Ifugao, at Kalinga
Igorot
Ito ay mga orihinal na tala, dokumento, o bagay na nagmula mismo sa taong nakasaksi o nakaranas ng pangyayari
Primaryang Batis
Isa sa layunin ng kamalayang pangkasaysayan ay upang mapaunlad ang pagkakakilanlan natin bilang Pilipino
Re-yal (Tama)
Lito: Uy, sabi ni President Bingbong Nachos, mayaman na raw ang Pilipinas!
Lita: Saan mo namang content creator nakuha yan? Puro ka na lang tiktok, na-fact check mo ba yan?
Anong katangian ng kamalayang pangkasaysayan ang nawawala kay Lito?
Mapanuri (hindi basta basta naniniwala sa isang impormasyon)
Sila ay ang mga katutubong Muslim sa Timog Pilipinas, partikular sa mga rehiyon ng Mindanao, Sulu, at Palawan; hango sa "Moors" ng Spain - mga Muslim na dating nanakop sa bahagi ng Europa.
Moro
Ito ay isang sinaunang sistema ng pagsasaka kung saan ang mga palayan ay nililikha sa gilid ng bundok sa anyong hagdan - hagdan.
Terrace Farming/Rice Terraces.
Ito ay pinagmulan kung saan nakasaad ang mga pangyayari noong sinaunang panahon
Batis/Batis Pangkasaysayan
Ito ay isang katutubong sistemang pangkalikasan at pamamahala ng kagubatan na isinagawa upang mapanatili ang balanse ng kalikasan, partikular sa mga komunidad sa Cordillera, lalo na sa paligid ng kanilang mga rice terraces.
Sistemang Muyong