Ano ang tawag sa mga likás at pangunahing karapatan ng bawat tao?
Karapatang Pantao
Anong organisasyon ang bumuo at nagpatibay ng mga pandaigdigang pamantayan ng karapatang pantao?
United Nations
Ano ang dokumentong pinagtibay noong 1948 na naglalaman ng pandaigdigang pamantayan ng karapatang pantao?
Universal Declaration of Human Rights
Anong uri ng karapatan ang tumutukoy sa karapatan sa buhay at malayang pagpapahayag?
Karapatang Sibil
Anong uri ng karapatan ang tumutukoy sa karapatang bumoto at tumakbo sa posisyon?
Karapatang Politikal
Anong uri ng karapatan ang tumutukoy sa karapatan sa trabaho at makatarungang sahod?
Karapatang Ekonomiko
Anong uri ng karapatan ang tumutukoy sa edukasyon at kalusugan?
Karapatang Panlipunan
Anong uri ng karapatan ang tumutukoy sa pagpapanatili ng kultura at tradisyon?
Karapatang Kultural
Ano ang batas na nagtatakda ng pinakamababang sahod sa mga manggagawa?
Minimum Wage Law
Anong programa ang tumutulong sa serbisyong pangkalusugan ng mga Pilipino?
PhilHealth
Ano ang tawag sa proseso ng pagpili ng mga pinuno sa Pilipinas?
Halalan
Anong karapatang panlipunan ang ipinapatupad sa pamamagitan ng libreng edukasyon sa pampublikong paaralan?
Karapatan sa Edukasyon
Ano ang tawag sa karapatan ng isang akusado na magkaroon ng patas na paglilitis?
Makatarungang Paglilitis
Ano ang tawag sa pagtrato nang hindi patas sa isang tao dahil sa kanyang kasarian o relihiyon?
Diskriminasyon
Ano ang tawag sa kalayaang magpahayag ng opinyon nang walang takot?
Kalayaan sa Pananalita
Anong karapatang politikal ang ipinakita sa People Power?
Pakikilahok sa pamahalaan
Anong katangian ng karapatang pantao ang nagsasabing ito ay para sa lahat ng tao sa buong mundo?
Pandaigdigan
Ano ang isa sa mga mahalagang katangian ng karapatang pantao na nangangahulugang taglay ito ng tao mula sa kapanganakan?
Likas
Anong katangian ng karapatang pantao ang nagsasabing pare-pareho ang karapatan ng lahat?
Pantay-pantay
Ang isang komunidad ay pinaalis sa kanilang lupain nang walang sapat na batayan. Anong karapatang panlipunan ang maaaring nalabag?
Karapatan sa Tirahan
Isang bansa sa Timog-Silangang Asya ang may halalan, ngunit kontrolado ang media at oposisyon. Anong karapatang pantao ang posibleng nalilimitahan?
Karapatang Politikal at Karapatang Sibil
Kung ang isang tao ay natatakot magsalita dahil sa banta ng karahasan, anong karapatan ang hindi ganap na natatamasa?
Karapatang Sibil (Kalayaan sa Pagpapahayag)
Ang hindi pagbibigay ng sapat na proteksyon sa kababaihan laban sa karahasan ay paglabag sa anong mas malawak na konsepto?
Karapatang Pantao
Anong probisyon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas ang naglalaman ng Bill of Rights?
Artikulo III
Anong batas ang nagtatag ng Commission on Human Rights sa Pilipinas?
1987 Konstitusyon ng Pilipinas