Tumutukoy sa mga kinagisnan, kaugalian, tradisyon, sining at wika at iba pang aspeto ng isang pangkat ng tao o lipunan
KULTURA
Ano ang dapat gawin ng magulang kapag nagkamali ang anak?
Gabayan at itama siya nang mahinahon
Ang magulang ay dapat maglaan ng sapat na __________ upang makausap at makasama ang anak.
Oras
Lagi akong gumagabay,
Sa tama kita itinuturo.
Sa hirap at gulo ng buhay,
Ako'y nasa tabi mo.
MAGULANG
Anong ulam ang gawa sa manok na niluluto kasama ang luya, sayote o papaya, at malunggay?
Tinola
Ano ang tawag sa pagtuturo sa anak ng tama at maling kilos?
Pagdidisiplina
Ano ang tawag sa pagtuturo sa anak na panagutan ang kaniyang mga kilos at desisyon?
Responsibilidad
Ang pagtuturo sa anak na harapin ang bunga ng kaniyang mga kilos ay pagtuturo ng __________.
Pananagutan
Hindi man ako nakikita,
Ramdam mo sa bawat gawa.
Sa anak ay laging nag-aalaga,
Ano ako na puno ng ligaya?
PAGMAMAHAL
Anong ulam ang gawa sa isda na niluluto sa suka, sibuyas, bawang at luya?
PAKSIW
Anong pagpapahalaga ang dapat ipakita ng magulang sa pakikinig sa opinyon ng anak?
Paggalang
Ano ang tawag sa pagbibigay ng payo at direksyon upang matulungan ang anak na gumawa ng tamang desisyon?
Paggabay
Ang pagtuturo ng mabuting asal at pagpapahalaga ay bahagi ng __________ ng anak.
Edukasyon
Kapag ikaw ay nagkamali,
Hindi agad kita sinisisi.
Pinakikinggan at inuunawa,
Upang matuto kang muli.
Pag-unawa
Anong ulam ang karaniwang gawa sa baboy, atay, hotdog, patatas, carrots, at tomato sauce?
Afritada
Ano ang tawag sa paglalaan ng panahon upang makausap at makasama ang anak?
Quality time o oras para sa pamilya
Anong pagpapahalaga ng magulang ang pagpapakita ng pag-aalaga, pagmamalasakit at pagbibigay ng suporta sa mapapagitan ng mga salita o kilos tulad ng yakap o halik?
PAGMAMAHAL
Ang pagtutulungan ng mga miyembro ng pamilya ay nagpapakita ng __________.
Pagkakaisa
May tuntunin akong itinuturo,
Upang ikaw ay maging responsable.
Hindi ito parusa o takot,
Kundi gabay sa buhay mo.
Disiplina
Anong ulam ang gawa sa karne ng baka na niluluto kasama ang patatas, carrots, at tomato sauce?
CALDERETA
Isang proseso ng pagpapalaki, pagpapaunlad at pagsuporta sa pisikal, intelektwal at moral na pag-unlad ng isang bata tungo sa pagtanda at sa buong buhay.
PAGMAMAGULANG
Anong pagpapahalaga ang naipakikita ng magulang sa pagtuturo ng mga anak na mag-alaga ng kanilang sarili, magbahagai sa mga gawaing bahay at matuto maging disiplinado?
MAGING RESPONSABLE
Importante na magtakda ng __________ at mga alituntunin sa tahanan.
LIMITASYON
Kahit paulit-ulit ang iyong tanong,
Hindi ako basta nagagalit.
Matiyaga kitang pinakikinggan,
Dahil ikaw ay aking iniibig.
PAGPAPASENSIYA
Anong ulam ang karaniwang gawa sa baboy minsan may patatas, minsan may itlog, nilalagyan ng toyo?
ADOBO