Kontemporaryong Isyu
Globalisasyon
Isyu sa Paggawa
Migrasyon
100

Tumutukoy ito sa mga suliranin, pangyayari, o usaping napapanahon, may malaking epekto sa lipunan, at nangangailangan ng pagsusuri at posibleng solusyon.

Kontemporanyong Isyu

100

Tumutukoy sa proseso ng patuloy na pag-uugnayan at pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Globalisasyon

100

Tumutukoy sa kalagayan kung saan walang sapat na trabaho para sa mga taong naghahanap at handang magtrabaho.

Unemployment

100

Tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar, pansamantala man o permanente.

Migrasyon

200

Ang pag-init ng mundo na nagdudulot ng pagbabago sa klima, pagtaas ng temperatura, at mas matitinding kalamidad ay anong kontemporanyong isyu?

Climate Change

200

Ang pagtutulungan ng iba't ibang bansa tulad ng ASEAN at United Nations para sa kapayapaan at regulasyon ng mga batas ay patunay ng anong anyo ng globalisasyon?

Globalisasyong Politikal

200

Ang pagdami ng oportunidad sa trabaho dahil sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya ay nangangahulugang pantay na agad ang oportunidad at kondisyon sa paggawa para sa lahat ng manggagawa. Tama o Mali?

Mali

200

Ang paglipat ng isang Pilipino mula sa Cebu patungo sa Maynila upang magtrabaho ay halimbawa ng panlabas na migrasyon.Tama o Mali?

Mali

300

Ano ang tawag sa sangguning nagbibigay ng pagsusuri o interpretasyon tungkol sa isang pangyayari batay sa ibang sanggunian?

Sekundaryang Sanggunian

300

Tumutukoy sa paglaganap at paggamit ng makabagong teknolohiya na nagpapabilis sa komunikasyon at pagpapalitan ng impormasyon sa iba't ibang panig ng mundo.

Globalisasyong Teknolohikal

300

Si Ana ay isang lisensiyadong guro ngunit nagtatrabaho bilang sales clerk dahil wala siyang makitang trabaho na tumutugma sa kaniyang propesyon. Anong isyu sa paggawa ang inilalarawan?

Job Mismatch

300

Tumutukoy sa taong permanenteng lumilipat mula sa kaniyang bansang pinagmulan patungo sa ibang bansa upang doon manirahan.

Imigrante

400

Isang bansa ang nakararanas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Anong kontemporanyong isyu ang maaaring kaugnay nito?

Inflation o implasyon

400

Proseso kung saan ang isang kompanya ay kumukuha ng serbisyo o gawain mula sa ibang kompanya upang maisagawa ang isang partikular na trabaho.

Outsourcing

400

Tumutukoy sa sistema ng pagtatrabaho kung saan ang mga manggagawa ay kinukuha sa ilalim ng panandalian o paulit-ulit na kontrata, na maaaring magdulot ng kawalan ng katiyakan sa pagpapatuloy ng kanilang trabaho at mga benepisyo. Anong isyu sa paggawa ang inilalarawan?

Kontraktuwalisasyon

400

Isang pamilya mula sa isang maliit na bayan sa probinsiya ang lumipat sa Metro Manila upang maghanap ng mas magandang trabaho at mas maraming oportunidad. Nanatili pa rin sila sa loob ng parehong bansa at hindi lumipat sa ibang bansa. Anong uri ng migrasyon ang inilalarawan sa sitwasyon?

Panloob na Migrasyon

500

Maraming kabataan at matatanda ang gumagamit ng social media bilang pangunahing paraan ng pagkuha ng balita at impormasyon. Isang araw, may kumalat na post na naglalaman ng maling impormasyon tungkol sa isang mahalagang pangyayari. Dahil maraming tao ang agad na naniwala at nagbahagi nito nang hindi sinusuri ang pinagmulan, mabilis itong kumalat at nagdulot ng kalituhan sa komunidad. Anong kontemporaryong isyu ang inilalarawan sa sitwasyon?


Misinformation o Maling Impormasyon

500

sang kompanyang nagmula sa ibang bansa ang nagtatag ng mga sangay sa iba't ibang bansa. Sa bawat bansang pinapasukan nito, pinag-aaralan nito ang kultura, panlasa, pangangailangan, at kagustuhan ng mga lokal na mamimili. Dahil dito, inaangkop nito ang mga produkto at estratehiya sa pagbebenta upang maging angkop sa lokal na pamilihan habang patuloy na pinananatili ang operasyon nito sa iba't ibang bansa. Anong uri ng kompanya ang inilalarawan sa sitwasyon?

Transnational Companies

500

Tumutukoy sa karapatan ng isang manggagawa na magkaroon ng matatag at tuloy-tuloy na trabaho at hindi basta-basta mawalan ng hanapbuhay nang walang makatarungang dahilan at proseso. Anong konsepto sa paggawa ang inilalarawan?

Security of Tenure

500

Maraming doktor, inhinyero, guro, at iba pang highly skilled professionals mula sa isang bansa ang pinipiling magtrabaho at manirahan sa ibang bansa dahil sa mas mataas na sahod, mas magandang oportunidad, at mas maayos na kondisyon sa trabaho. Dahil dito, nababawasan ang bilang ng mga bihasang propesyonal na maaaring maglingkod at magamit ang kanilang kaalaman sa sariling bansa. Anong epekto ng migrasyon ang inilalarawan sa sitwasyon?

Brain Drain

M
e
n
u