Ano ang depinisyon ng kamalayang pangkasaysayan?
Ito ay tumutukoy sa kakayahang makita ang koneksiyon ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.
Ano ang depinisyon ng Determinismong Pangkapaligiran?
Ito ay paniniwala na ang kalikasan ang may kapangyarihan sa sangkatauhan, kung saan pinaniniwalaan na kinokontrol nito ang kilos ng tao at siyang nagdidikta sa pag-unlad ng lipunan.
Ano ang Ilaya?
Ito ang itaas na bahagi ng ilog o ang kabundukan.
Ano ang Ilawod?
Ito ay tumutukoy sa ibabang bahagi ng ilog o mga baybaying lugar.
Kahit na nanumbalik ang demokrasya sa Pilipinas apatnapung taon pagkatapos ng EDSA People Power I, naniniwala si Andres na may moral na responsibilidad ang lipunan na alalahanin ito. Alin sa mga sumusunod na palatandaan ng kamalayang pangkasaysayan ang ipinapamalas ni Bernard?
Dimensiyong Etiko
Dahil napaliligiran ng malawak na karagatan ang kanilang pamayanan, gumawa ang mga tao ng mga sasakyang-dagat upang mapadali ang pagpunta sa ibang lugar at pakikipag-ugnayan sa ibang pamayanan. Ito ay naglalarawan sa anong pananaw?
Posibilismo
Magbigay ng dalawang pangunahing hanapbuhay ng mga pamayanan sa Ilaya
Pagsasaka
Pangangaso
Pagkakaingin
Magbigay ng dalawang pangunahing hanapbuhay ng mga pamayanan sa Ilawod
Pangangalakal
Pangingisda
Sa halip na maniwala sa isang viral video sa TikTok tungkol sa Mendiola Massacre, pumunta si Maria sa pambansang aklatan upang basahin ang mga dyaryo at ulat ng komisyon na nailathala mismo noong Enero 1987. Ano ang palatandaan na kamalayang pangkasaysayan ang ipinapakita rito?
Ebidensiya mula sa Pangunahing Sanggunian
Sa usaping Determinismo at Posibilismo, ano ang dapat ang laging isinaalang-alang sa kontekstong ito?
Heograpiya
Paano nagiging daluyan ng karunungan ang Binukot?
Ang Binukot ang nagpapanatili ng kultura at kaalaman patungkol sa kanilang pamayanan.
Ipaliwanag ang dalawang pangkat na bahagi ng pamayanang Ilawod
Moro- Matatagpuan sa Mindanao na may kultura at pamumuhay na malapit sa dagat at mga pulo
Badjao- Kilala bilang mga naninirahan sa bangka at napapalipat-lipat ayon sa agos ng dagat
May kasaysayan ba ang Pilipinas? Ipaliwanag ito batay sa pananaw ng Pilipino patungkol sa kasaysayan.
“Mga salaysay na may saysay para sa sinasalaysayang grupo ng tao.”
Ipaliwanag ang pinagkaiba ng Posibilismo at Determinismo.
DETERMINISMO- Ang kapaligiran ang nagdidikta sa buhay ng tao.
POSIBILISMO- May impluwensya ang kapaligiran, ngunit ang tao ay may kakayahang humanap ng paraan umangkop at makinabang.
Ano ang mga pananaw na parehas sa sumasalamin sa pamayanan ng Ilaya at Ilawod? Ipaliwanag.
Pagpapahalaga sa komunidad at kapaligiran.
Bakit may mataas na pagpapahalaga ang mga Badjao sa karagatan?
Paano mo ipapaghahambing ang Kanluranin at Pilipinong perspetikbo sa usaping kasaysayan?
Kanluranin- written records
Pilipino- oral tradition
Ito ay ang pananaw ng posibilismo, ito ay ang pagtingin sa kalikasan na nagtatakda lamang ng mga limitasyon at nag-aalok ng mga posibilidad, ngunit ang teknolohiya, kultura, at malayang pagpili ng tao ang nagpapasya kung paano mabubuhay.
Ipaghambing ang pagkakaiba ng mga pamayanan sa Ilaya at Ilawod.
Sentro/Malayo- Kalakalan, Pamahalaan, at Kolonyalismo
Paano nakakaimpluwensiya ang mga dayuhan sa mga pamayanang Ilawod?
Kultura
Tradisyon
Pananaw
Paraan ng Pamumuhay