Bansang namuno sa Pilipinas bago dumating ang mga Hapones.
Estados Unidos
Paghahambing o pagpapahayag na hindi literal ang kahulugan.
Talinghaga
Mga akdang naglalarawan ng kultura at karanasan ng isang partikular na rehiyon.
Rehiyonal na akdang pampanitikan
Panitikang gumagamit ng pagtatanghal upang maipakita ang pagmamahal sa bayan.
Dulang makabayan
Bagay o pangyayaring kumakatawan sa ibang kahulugan.
Simbolo
Pagsusuri sa akda gamit ang kalagayan ng panahon, lugar, at may-akda bilang batayan.
Konteksto
Larawang nabubuo sa isip ng mambabasa mula sa mga salita ng tula.
Larawang-diwa / Imahen
Pagkakatulad ng tunog sa hulihan ng mga taludtod.
Tugma
Paraan ng paggamit at pagpili ng mga salita ng may-akda.
Estilo
Pahiwatig na hindi direktang ipinapahayag sa isang akda.
Pahiwatig
Mga kaugalian at pagpapahalagang makikita sa isang akda.
Elementong kultural
Bahagi ng kuwento na nagsasabi kung saan at kailan naganap ang mga pangyayari.
Tagpuan
Bansang sumakop sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Hapon
Paraan ng pagsisimula ng kuwento sa isang mahalagang pangyayari bago ipakita ang mga naunang pangyayari.
In medias res
Damdaming nangingibabaw sa isang tula o akda.
Tono
Bahagi ng kuwento na nagsasabi kung sino ang gumaganap sa mga pangyayari.
Tauhan
Isang anyo ng tulang Hapones na binubuo ng tatlong taludtod.
Haiku
Paraan ng pagsasaayos ng mga pangyayari sa isang kuwento.
Banghay
Suliranin o labanan na nararanasan ng mga tauhan.
Tunggalian
Pagbabalik sa isang pangyayaring naganap bago ang kasalukuyang bahagi ng kuwento.
Pagbabalik-tanaw
Bilang ng pantig na ginagamit sa bawat taludtod ng tula.
Sukat
Isang tradisyonal na anyo ng tulang Pilipino na may apat na taludtod.
Tanaga
Isang anyo ng tulang Hapones na binubuo ng limang taludtod.
Tanka
Taong nagsasalita o tinig na nagpapahayag sa isang tula.
Persona
Pangunahing ideya o mensaheng nais ipabatid ng isang akda.
Mensahe