Tukuyin ang pang-uri at ang kaantasan nito sa pangungusap:
Ang bagong silid-aralan ay mas malinis kaysa sa dating silid.
Pang-uri: mas malinis
Kaantasan: Pahambing
Anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap?
Si Andrea ang pinakamatiyagang mag-aaral sa kanilang pangkat.
Alin sa mga pangungusap ang gumagamit ng pahambing na palamang?
A. Si Liza ay mabait.
B. Si Liza ay higit na mabait kaysa kay Ana.
C. Si Liza ang pinakamabait sa klase.
D. Mabait na mabait si Liza.
B. Si Liza ay higit na mabait kaysa kay Ana
Tukuyin ang uri ng pang-uri na may salungguhit.
Ang masarap na mangga ay inani sa aming bakuran.
Pang-uring Panlarawan
Tukuyin ang uri ng pang-uring pamilang na ginamit:
May limang aklat sa ibabaw ng mesa.
Patakda o Kardinal
Anong uri ng pang-uring pamilang ang ginamit sa pangungusap?
Si Marco ang ikalawang mag-aaral na dumating.
Panunuran o Ordinal
Tukuyin ang uri ng pang-uring pamilang sa pangungusap:
Nagbigay ang guro ng tig-dalawang papel sa bawat mag-aaral.
Pamahagi
Anong bahagi ng liham ang naglalaman ng tirahan ng sumulat at petsa kung kailan isinulat ang liham?
PAMUHATAN
Mahal kong Ana,
Anong bahagi ng liham ang halimbawa sa itaas?
BATING PANIMULA
Alin sa sumusunod ang karaniwang makikita sa bating pangwakas?
A. Lubos na gumagalang,
B. Mahal kong Kaibigan,
C. Setyembre 10, 2026
D. Kumusta ka na?
A. Lubos na gumagalang,
Ano ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo?
A. Mang-aliw ng mambabasa
B. Maglahad ng impormasyon at kaalaman
C. Manghikayat na bumili ng produkto
D. Maglahad ng kathang-isip na kuwento
B. Maglahad ng impormasyon at kaalaman
Aling sanggunian ang pinakaangkop gamitin kung nais mong malaman ang kahulugan at wastong baybay ng isang salita?
DIKSIYONARYO
Nais ni Carlo na malaman ang lokasyon ng iba't ibang bansa, lalawigan, at karagatan. Anong sanggunian ang dapat niyang gamitin?
ATLAS
Tatlong pangunahing kaantasan ng pang-uri na ginagamit sa paghahambing.
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Dalawang uri ng Pang-uri
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pamilang
Limang bahagi ng liham.
Pamuhatan
Bating Panimula
Katawan ng liham
Bating Pangwakas
Lagda
Dalawang halimbawa ng pang-uring pamilang na kardinal.
Maaaring sagot:
isa, dalawa, tatlo, apart, lima, etc.
Dalawang halimbawa ng pang-uring pamilang na ordinal/panunuran.
Maaaring sagot:
ikauna, ikalawa, ikatlo, ikapat etc.
Tukuyin ang pang-uring pamilang sa pangungusap:
May pitong mag-aaral na sumali sa paligsahan.
Pang-uri: pitong
Pamilang na kardinal
Magbigay ng dalawang halimbawa ng pang-uring pamilang na pamahagi.
Maaaring sagot: tig-isa, tig-dalawa, tig-tatlo, sampung porsyento, kalahati, kalawa, katlo, kapat
Anong Pang-uring Pamilang ang nagsasaad ng pangkat o kumpol ng bilang
Palansak
Kalahating litro ng tubig ang inilagay sa bote.
Anong uri ng pang-uring pamilang ang kalahating?
Pamahagi
Isa itong sanggunian ng tekstong impormatibo na naglalaman ng malawak at organisadong impormasyon tungkol sa iba't ibang paksa.
Encyclopedia
Dala-dalawa ay halimbawa ng Pang-uring Pamilang na?
Palansak
Anong bahagi ng pananalita ang salitang naglalarawan o nagbibigay-katangian sa isang pangngalan o panghalip?
Pang-uri