Anong salita ang tumutukoy sa mga paniniwala, tradisyon, kaugalian, wika, at sining na nagbibigay ng pagkakakilanlan at nagsisilbing gabay sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao.
KULTURA
Sistema ng pakikipagkalakalan at pakikipag-palitan ng produkto ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang mga karatig bansa.
BARTER
Tumutukoy ito sa magkakatunog na pantig sa hulihan ng bawat taludtod ng tula.
TUGMA
Matatalinhagang pariralang nagpapahayag ng aral at batayan ng wastong pag-uugali
Ang mga ito ay pariralang naglalarawan sa isang bagay o sitwasyon sa paraang patalinghaga. Tinatawag din itong idyoma.
SAWIKAIN
Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino?
BAYBAYIN
Kung ang mga tribo noong unang panahon ay pinamumunuan ng mga datu, ano naman ang tawag sa mga matatanda at matatalinong babae na tumutulong sa kanila?
BABAYLAN
Ito ang pattern ng tugma sa isang saknong ng tula.
TUGMAAN
Ibigay ang sukat ng tulang TANAGA.
7-7-7-7
Ang mga epiko ay madalas na hindi kapani-paniwala dahil ginagamitan ito ng......?
Ang paraan ng pagpapasa ng impormasyon noong unang panahon ay tinatawag na.....?
PASALINDILA
Anong termino ang tumutukoy sa kabuuan ng mga nakalipas na pangyayari, kuwento, o tala ng isang tao, bansa, o sibilisasyon?
KASAYSAYAN
Sa aling parte ng tula makikita o malalaman ang sukat o bilang ng pantig sa bawat linya nito?
TALUDTOD
Ano ang tawag sa pating na kumain kay Lam-ang nang sumisid ito sa dagat?
BERKAKAN O BERKAHAN
Isang napakahabang tula na mayroong kwento o istorya.
EPIKO
LATIN
Ang literatura ay lupon ng mga akdang isinulat o sinasalita na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Anong isa pang termino o salita ang kasingkahulugan ng literatura?
PANITIKAN
Kung ang saknong ay may apat na taludtod, tinatawag itong quatrain. Ano naman ang tawag sa saknong na may limang taludtod?
Anong uri ng awiting bayan ang nagmula sa mga tagalog at tinatawag ring awit ng paghehele?
OYAYI
Sagutin ang bugtong:
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
TSHIRT O KAMISETA
Anu-anong mga trabaho ang ikinabubuhay ng mga sinaunang katutubong Pilipino?
PAGTATANIM, PANGINGISDA, PANGANGASO
Sa anong mga materyal isinusulat o iniuukit ang Baybayin noong unang panahon?
DAHON, BATO, AT KAHOY
Ibigay ang apat na karaniwang sukat ng tula.
WAWALUHIN
LALABING-DALAWAHIN
LALABING-ANIMIN
LALABING-WALUHIN
Ipaliwanang ang salawikain:
Ubos-ubos biyaya, bukas, tutunga-tunganga.
Matutong magtipid upang sa mga darating na panahon ay mayroon ka pa ring magagamit.