ISIP AT KILOS-LOOB
DIGNIDAD
pagpapahalaga
At Birtud
Pananampalataya
100

Nalaman ni Josh na may kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kaniyang kaklase sa social media. Bago siya nagbahagi ng anumang komento, sinuri muna niya kung totoo ang balita. Aling kapangyarihan ng tao ang higit niyang ginamit? 

A. Kilos-loob dahil pinili niyang manahimik
B. Isip dahil nagsuri muna siya ng katotohanan
C. Damdamin dahil naawa siya sa kaklase
D. Konsensiya dahil natakot siyang magkamali

B. Isip dahil nagsuri muna siya ng katotohanan

100

Isang mag-aaral ang madalas na pinagtatawanan dahil sa kaniyang kahirapan. Ano ang pinakamainam na gawin ng kaniyang mga kaklase?

A. Iwasan siya upang hindi sila madamay dahil isa ring mahirap.
B. Tulungan siya at igalang bilang taong may dignidad.
C. Pabayaan siyang masanay sa pangungutya.
D. Sabihing normal lamang iyon.

B. Tulungan siya at igalang bilang taong may dignidad.

100

Pinili ni Lea na huwag mandaya sa pagsusulit kahit alam niyang babagsak siya. Anong moral na birtud ang ipinakita niya?

A. Katarungan
B.Katatagan
C. Pagtitimpi
D. Katapatan

D. Katapatan

100

Isang mag-aaral ang bumagsak sa pagsusulit ngunit patuloy na nagsikap habang nananalangin sa Diyos. Ano ang ipinakikita niya?

A. Pananampalatayang may kasamang pagsisikap.
B. Umaasa lamang sa himala.
C. Takot sa pagkabigo kaya sya ay nanguha ng aralin ng kaklase
D. Responsable at takot mapagalitan ng magulang

A. Pananampalatayang may kasamang pagsisikap.

150

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong ugnayan ng isip at kilos-loob?

A. Kumilos muna bago mag-isip.
B. Magpasya ayon sa gusto ng karamihan.
C. Unawain muna ang tama bago isagawa ang mabuting kilos.
D. Sundin lamang ang nararamdaman.

C. Unawain muna ang tama bago isagawa ang mabuting kilos. 

150

 Alin ang pinakamalinaw na pagpapakita ng paggalang sa dignidad ng tao?

A. Pagbibigay lamang ng respeto sa mayayaman.
B. Pagrespeto sa mga nakatatanda at tao.
C.  Pagkilala lamang sa mga matatalino..
D. Pantay na pagtrato sa lahat anuman ang kalagayan nila.

D. Pantay na pagtrato sa lahat anuman ang kalagayan nila.

150

Bakit itinuturing na pinakamataas ang Banal na Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler?

A. Dahil nakatuon ito sa kaganapan ng tao at relasyon sa Diyos
B. Dahil nagbibigay ito ng materyal na kayamanan.
C. Dahil ito ang pinakakailangan sa trabaho.
D. Dahil ito ang pinakamadaling isabuhay dahil sa relehiyon at pagdarasal ng mga tao.

A. Dahil nakatuon ito sa kaganapan ng tao at relasyon sa Diyos

150

Ayon sa Hebrews 11:1, ang pananampalataya ay:

A. Pag-asa lamang sa suwerte at pagiging mabuting tao.
B. Pagtanggap sa lahat ng mangyayari ay may dahilan.
C. Katiyakan sa mga inaasahan at paninindigan sa mga hindi nakikita.
D. Paniniwala nang walang dahilan.


C. Katiyakan sa mga inaasahan at paninindigan sa mga hindi nakikita.

150

3. Bakit sinasabing natatangi ang tao sa ibang nilalang?

A. Dahil mas natatanging biyaya at malakas siya kaysa sa hayop.
B. Dahil may kakayahang gumamit ng isip at kilos-loob.
C. Dahil kaya niyang magsalita ng maraming wika.
D. Dahil may kakayahang gumawa ng bahay.

B. Dahil may kakayahang gumamit ng isip at kilos-loob.

150

Ayon sa UDHR, bakit dapat igalang ang bawat tao?

A. Dahil pare-pareho ang antas ng kabuhayan ng mga tao.
B.Dahil may batas na nagpaparusa.
C. Dahil likas na taglay ng bawat tao ang dignidad mula kapanganakan.
D. Dahil lahat ay may parehong talento.

C. Dahil likas na taglay ng bawat tao ang dignidad mula kapanganakan.

150

Aling sitwasyon ang nagpapakita ng maingat na paghuhusga (prudence)?

A. Pagsunod agad sa uso.
B. Pagdedesisyon matapos timbangin ang magiging bunga ng kilos.
C. Paggawa ng desisyon ayon sa emosyon.
D. Pagkopya sa desisyon ng iba.

B. Pagdedesisyon matapos timbangin ang magiging bunga ng kilos.

150

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na pagsasabuhay ng pananampalataya?

A. Magtrabaho sa abot ng makakakaya upang makuha ang nais sa buhay
B. Iasa sa iba ang lahat ng gawain.
C. Manalangin, magsikap, at tumulong sa kapuwa.
D. Iwasan ang mga suliranin at maging masaya sa buhay

C. Manalangin, magsikap, at tumulong sa kapuwa.

250

Ano ang pinakamahalagang tunguhin ng kilos-loob?

A. Makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng tagumpay
B. Magkaroon ng maraming kaibigan.
C. Piliin at gawin ang kabutihan.
D. Matupad ang sariling kagustuhan.

C. Piliin at gawin ang kabutihan.

250

Ano ang maaaring maging epekto kung hindi kinikilala ang dignidad ng kapuwa?

A. Lumalaganap ang diskriminasyon at kawalang-katarungan.
B. Nagiging mas mapayapa ang lipunan.
C. Mas nagiging malaya ang lahat dahil wala nang pakialaman and tao.
D. Walang epekto sa lipunan.

A. Lumalaganap ang diskriminasyon at kawalang-katarungan.

250

Ano ang magiging bunga kung ang isang tao ay may mataas na pagpapahalaga ngunit hindi ito isinasabuhay?

A. Magiging mabuting halimbawa pa rin siya.
B. Lalong tataas ang kaniyang dignidad at mabubuhay ng masaya.
C. Mawawalan ng kabuluhan ang kaniyang pagpapahalaga.
D. Wala itong magiging epekto.

C. Mawawalan ng kabuluhan ang kaniyang pagpapahalaga.

250

Ayon kay C. S. Lewis, bakit nananatiling mahalaga ang pananampalataya kahit nagbabago ang damdamin ng tao?

A. Dahil tayo ay binyagan sa ating relihiyon.
B. Dahil ito ay patungkol sa katotohanang tinanggap ng isip.
C. Dahil wala nang ibang pagpipilian at mabuhay na lamang ng patas.
D. Dahil ito ay nakabatay lamang sa emosyon.


B. Dahil ito ay patungkol sa katotohanang tinanggap ng isip.

M
e
n
u