Nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.
Anyong Tuluyan o prosa
Isang pagpapahayag ng mahahalagang kaisipan, impormasyon, damdamin at opinyon sa harap ng mga taong handang makinig.
Sanaysay
Ang bahagi ng kuwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan o pananabik.
Kasukdulan
Isang akdang pampanitikan na tumutukoy sa pinagmulan o kasaysayan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Alamat
Ito ay salaysaying mula sa banal na kasulatan na nagpapahayag ng katotohanan. Layunin nitong magbigay ng aral sa mga mambabasa.
Parabula
Isang akdang pampanitikan na hindi mababasa sa isang upuan lamang. Ito'y may maraming tauhan at nangangailangan ng mahabang kawing ng panahon.
Nobela
Panitikan na ang layunin ay maitanghal sa pamamagitan ng kilos, pananalita at galaw ng mga tauhan.
Dula
Nangingibabaw sa uri ng nobelang ito ang pangangailangan, hangarin at kalagayan ng tauhan.
Nobela ng Tauhan
Ito'y nagwawakas sa pagkamatay ng pangunahing tauhan sa dula. Kinapapalooban ng masidhing damdamin at may mahigpit na tunggalian.
Trahedya
Ang layunin ng dulang ito'y magpatawa sa pamamagitan ng kawil-kawil na pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
Parsa
Akda na kung saan ang mga tauhang gumaganap ay mga hayop na binibigyang katangian ng mga tao sa kwento.
Pabula
Isang kwento o salaysay ayon sa pinagmulan ng sansinukuban na may kaugnayan sa paniniwala sa mga diyos at diyosa.
Mito
Kwentong walang sumulat at nagpalipat-lipat lamang ito sa bibig ng mga tao upang maipalaganap.
Kwentong bayan
Anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
Maikling kwento