Pagkaraan ng pitong araw, pinabalik ni Jehova si Moises para sabihin kay Paraon: ‘Kapag hindi mo pinalaya ang aking bayan, mapupuno ng ________ ang buong Ehipto.’
Tanong: Ano ang ika-dalawang salot ang nangyari sa Ehipto?
PALAKA
Tumulong sa kaniyang manugang na si Ruth
NOEMI
Ano ang unang Aklat ng Bibliya?
GENESIS
Saan isinilang si Jesus?
SA BETLEHEM
Ito ay Isang kinasihang mensahe; isang pagsisiwalat ng kalooban at layunin ng Diyos o ang kapahayagan ng mga iyon. Ano ito?
HULA
Pagkaahon ni Jesus sa tubig, isang boses mula sa langit ang nagsabi: ‘Ito ang aking Anak, na lubos kong kinalulugdan.’ Pagkatapos, parang bumukas ang langit at nanaog ang __________ ito kay Jesus.
KALAPATI
PS: Hindi ito totoong kalapati. Mukha lang itong kalapati. Ang totoo’y espiritu ito ng Diyos.
Tatay ng isa sa pinakamalakas na tao na nabuhay sa lupa.
MANOA
Ang Bibliya ay binubuo ng ilang iba’t ibang mga aklat?
66
Saan naganap ang Unang Himala ni Jesus?
SA ISANG KASALAN SA CANA
Sinasabi sa Daniel 11:41 na papasukin ng hari ng hilaga ang “Magandang Lupain.”
Tanong: Kanino lumarawan ang Hari ng Hilaga sa ngayon?
RUSSIA
Ano ang katumbas na halaga ng dalawang baryang iniabuloy ng babaing balo?
ISANG MAYA
Dating mapagpakumbaba pero naging mayabang na hari.
HARING SAUL
Ano ang Unang Utos sa Sampung Utos?
ANG DIYOS NA JEHHOVA LANG ANG DAPAT MONG SAMBAHIN
— Exodo 20:3
Sa pangunguna ni Josue, sinakop ng Israel ang _______. Binigyan ni Jehova ng kapangyarihan ang mga hukom para iligtas ang kaniyang bayan mula sa pang-aapi
CANAAN
’ Dudurugin at wawakasan ng Kaharian ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon nga ay mananatili hanggang sa mga panahong walang-takda.’—DANIEL 2:44.
Tanong: Kaninong Kaharian ito?
KAHARIAN NG DIYOS NA JEHOVA.
Apocalipsis 20:2 - Sinunggaban niya ang _________ , ang orihinal na ahas, ang Diyablo at Satanas, at iginapos ito sa loob ng 1,000 taon.
DRAGON
Sino ang panganay na anak ni Jacob?
RUBEN
Si Stephen Langton, isang Ingles na klerigo na naging Arsobispo ng Canterbury, ang kinikilalang naglagay ng mga _________ sa Bibliya. Ginawa niya iyon noong unang bahagi ng ika-13 siglo C.E., nang nagtuturo siya sa University of Paris sa France.
KABANATA
Saan inilibing si Samson?
SA PAGITAN NG ZORA AT ESTAOL
Noong mga 732 B.C.E., isinulat ni propeta Isaias ang isang hula na nagbabadya ng kapahamakan—babagsak ang Babilonya. Paano ito natupad?
Binanggit ni Isaias ang mga detalye: Isang lider na nagngangalang “Ciro” ang mananakop, “tutuyuin” ang pananggalang na katubigan ng Eufrates, at ‘hindi maisasara’ ang pintuang-daan ng lunsod. (Isaias 44:27–45:3)
Sa Apocalipsis Kabanata 13 lumalarawan sa pandaigdig na politikal na sistem ang anong mabangis na hayop?
MABANGIS NA HAYOP NA MAY PITONG ULO
Sino ang asawa ni Moises?
ZIPORA
Ano ang 2022 Taunang Teksto?
"ANG MGA HUMAHANAP KAY JEHOVA AY HINDI MAGKUKULANG NG ANUMANG MABUTI.”
— Awit 34:10
Nang maglaon, Saan inilipat ang Kaban?
SA KABANAL — BANALAN SA TEMPLO NI SOLOMON
—1 Hari 6:14, 19.
Paano natupad ang hula sa Juan 19:36?
"Walang isa mang buto niya ang mababali"
Para pabilisin ang pagkamatay ng mga pinapatay sa tulos, nakaugalian ng mga sundalong Romano na baliin ang mga binti ng mga ito.
Pero nang makita nilang patay na si Jesus, hindi na nila binali ang mga binti niya. Sa halip, “sinaksak ng sibat ng isa sa mga sundalo ang tagiliran ni Jesus.”— Juan 19:33, 34.