Ang Ebanghelyo ni Juan ay isinulat upang _____________ na si Jesus ang Cristo, ang anak ng Diyos at sa inyong pagsampalataya sa Kanya ay magkaroon kayo ng __________________
JUAN 20:31
kayo'y sumampalataya; buhay sa pamamagitan Niya
Bakit may mga taong ibig pang mamuhay sa kadiliman (kasalanan)? (Juan 3:19-20)
Sapagkat ang kanilang mga gawain ay masasama. Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa.
Kapag ang isang tao ay hindi naniwala (nanalig) kay Jesus, hindi __________, kundi ang _____ ng Diyos ang mananatili sa kanya. (Juan 3:36)
siya magkakaroon ng buhay; poot
Bakit kailangan ng sanlibutan ang isang Tagapagligtas? (Roma 3:23)
Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos. (Roma 3:23)
Sinabi ni Jesus na Siya ang _____ ng sanlibutan.
ilaw
Paano inilarawan ni Jesu-Cristo ang isang taong namumuhay sa kadiliman at kasalanan? (Juan 8:34)
“Ang namumuhay sa kasalanan ay alipin ng kasalanan.” (Juan 8:34)
Sa Roma 6:23, sinasabi na ang kabayaran ng kasalanan ay _____.
kamatayan
Ayon sa nakaraang mga talata, ano ang pinakamalubhang suliranin (problema) ng tao?
kasalanan
Mahalaga bang sumunod kay Jesus? Oo o hindi.
(Juan 8:21)
Oo
Ano ang sinasabi ni Jesus sa mga taong hindi nakikinig o sumusunod sa Salita ng Diyos? (Juan 8:47)
Ang mula sa Diyos ay nakikinig sa Salita ng Diyos ngunit ang mga taong ayaw making ay di mula sa Diyos. (Juan 8:47)
Ang taong patuloy na namumuhay sa kadiliman ng kasalanan ay humaharap sa ___ ng Diyos. (Juan 3:36)
poot
i-recite ang ROMA 6:23
Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos. (Roma 3:23)
Mula sa ating pag-aaral ng Juan 8:12, ano ang ating makakamtan kung tayo’y susunod kay Jesus?
Magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.
Ayon sa Juan 16:9, ano ang kasalanan ng tao?
Ang hindi pananalig kay Jesus.
Tinatanggihan (hindi pinaniniwalaan) ng iba si Hesus at hindi siya tinatanggap bilang Tagapagligtas at Panginoon (Juan 1:10-11) - Tama o Mali?
Tama
Ang ibang tao ay hindi sumusunod kay Jesus dahil iniibig pa nila ang ___ kaysa ___ sapagkat ang ginagawa nila ay ___.
(Juan 3:19)
dilim; liwanag; masasama
Ang tao’y hinatulan dahil sa kasalanan ng ______. (Juan 3:18)
hindi pananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos, si Hesus.
Ibinigay ng Diyos si Hesus sa sanlibutan upang ________________________.
iligtas ang mga tao sa pamamagitan Niya.