Isa ang Pasukan, tatlo ang labasan
T-shirt
Dalawang bolang itim malayo ang nararating
Mata
May siyam buhay, kaya mahirap mamatay
Pusa
ko ay may kaibigan, kasama ko kahit saan
Anino
Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa
Kasuy
Pagkagat ng madiin, naiwan ang ngipin
Stapler
Kay lapit sa mata, pero di mo makita
Tenga
Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo
Aso
Ayan na, ayan na, pero hindi mo pa makita
Hangin
Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona
Bayabas
Hindi hayop, hindi tao, pero kayang pumulupot sa tiyan mo
Belt
Isang balong malalim, naliligid ng patalim
Bibig
Maliit pa si kumpare,
Nakakaakyat na sa tore.
Langgam
Heto, heto na, malayo pa’y halakhak na.
Alon
Pagsipot sa liwanag, kulubot na ang balat.
Ampalaya
Dala mo, dala ka, dala ka ng iyong dala
Sapatos/Tsinelas
Mapuputing sundalo ng kagitingan, lagging nag kakauntugan sa kaingin
Mga ngipin
Heto, heto na si Lelong
Bubulong-bulong
Bubuyog
Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig.
Asin
Nang bata ay nagsaya,
at naghubo nang dalaga.
Kawayan
Kung kailangan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay
Kandila
Dalawang magkaibigan, laging nag uunahan
Paa
Bahay ni Ka Huli
Haligi’y bali-bali
Ang bubong ay kawali
Di dapat na kulangin, di rin dapat pasobrahin
Sapat
Tinaga ko ang puno
Sa dulo nagdurugo
Gumamela