Ilang tao ang nakaligtas sa kauna-unahang baha?
8
Anong hayop ang ginawang gintong imahen ng mga Israelita?
Guya
Saang bansa dinalang bihag ang mga Israelita?
Babilonya
Anong nangyari nang ikinaila ni Apostol Pedro si Jesus ng tatlong beses?
Tumilaok ang manok/tandang
Ano ang diwa ng Apocalipsis 21:4?
Tatanggalin ni Jehova ang mga pagdurusa sa hinaharap.
Sinong hari ang inatasan ni Jehova na magtayo ng kanyang templo?
Haring Solomon
Anong hayop ang pinalit bilang handog kay Isaac?
Tupa
Anong bansa ang lupang pangako?
Canaan
Ano ang pinakaunang pagpuksa ni Jehova sa mga taong hindi nakinig sa kanyang salita?
Malaking baha (Noe)
Anong teksto ang nagsasabi na lubos ang pagmamahal sa atin ni Jehova kaya sinakripisyo niya ang bugtong niyang anak?
Juan 3:16
Sinong hukom ang nagbigay kay Jehova ng kanyang anak dahil sa isang pangako?
Jepte
Anong dalawang hayop ang pinalabas ni Noe sa daong upang malaman kung humupa na ang baha?
Uwak at Kalapati
Saan lugar ibinayubay si Jesus?
Golgota
Sa Armagedon, sino-sino ang makakasama ni Jesus?
Mga anghel at ang 144,000 na mga pinahiran
Anong teksto ang nagsasabi ng "Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, At isang kapatid na maaasahan kapag may problema"?
Kawikaan 17:17
Sino ang pumalit kay Judas Iscariote?
Matias
Saang hayop inihalintulad ang mga lingkod ni Jehova? ang mga hindi tumanggap ng Salita ni Jehova?
Lingkod ni Jehova: Tupa
Hindi Tumanggap: Kambing
Anong bundok ginawa ni Jesus ang kaniyang huling panalangin bago sya arestuhin nang siya ay ipapako na sa tulos?
Bundok ng mga Olibo
Magbigay ng tatlong pangyayari sa Bibliya na binuhay ang patay.
(1) Anak ng balo (Zarepat), (2) anak ng babaeng Sunamita, (3) Lalaking binato sa libingan ni Eliseo, (4) Anak ni Jairo, (5) Anak ng babaeng balo (Nain), (6) Lasaro, (7) Jesus, (8) Tabita (Dorcas), (9) Eutico
Magbigay ng tatlong teksto na nagpapakilala kay Jehova bilang Diyos.
(Titignan ang mga teksto sa Bibliya)
Magbigay ng anim sa orihinal na labing-dalawang alagad ni Jesus
Andres, Pedro, Santiago (Anak ni Zebedeo), Juan (Anak ni Zebedeo), Filipe, Natanael, Mateo, Tomas, Santiago (Anak ni Alfeo), Judas Tadeo (Anak ni Alfeo), Simon, Judas Iscariote
Magbigay ng tatlong hayop na inihahandog sa altar ni Jehova bilang handog na sinusunog.
Toro, Tupa, Kambing, Batubato,Kalapati
Magbigay ng apat na bansa/kongregasyon na sinulatan ni Apostol Pablo.
Roma, Corinto, Galacia, Efeso, Filipos, Colosas, Tesalonica
Magbigay ng lima sa sampung salot.
(1) Naging dugo ang Ilog Nilo, (2) mga palaka, (3) mga kuto (kulisap na nangangagat, (4) malaking mga bangaw, (5) namatay ang mga baka, tupa at kambing, (6) nakapandidiring sugat sa mga tao, (7) umulan ng graniso, (8) mga balang, (9) pusikit na kadiliman, (10) pagkamatay ng mga panganay
Magbigay ng anim sa siyam na bunga ng espiritu na nakasulat sa Galacia 5:22, 23