Layunin nito na maging legal na saligan upang ang “binhi” ng “babae” sa Gen 3:15 ay mamahala sa Kaharian.
Tipang Abrahamiko
Isang araw na itinalaga ng Diyos upang magpahinga mula sa karaniwang mga pagtatrabaho.
Kapistahan ng Sabbath
“Siya, bagaman namatay siya, ay nagsasalita pa” (Heb 11:4)
Abel
Layunin nito na protektahan ang “binhi” at akayin ang mga tao sa Mesiyas
Tipang Kautusan
Pinagdiriwang bilang paggunita sa paglaya ng mga Judio mula sa pamumunong Siro-Griego at sa muling pag-aalay kay Jehova ng templo sa Jerusalem.
Kapistahan ng Pagaalay
Kapatid ni Lazaro at Maria. Masipag siya at mapagpatuloy. Handa siyang tumanggap ng payo at pagtutuwid.
Marta
Layunin nito na ilaan ang legal na saligan para ang 144,000 Kristiyano ay maampon bilang mga anak ng Diyos at maging pangalawahing bahagi ng “binhi”.
Bagong Tipan
Ipinagdiriwang sa kapistahang ito ang pagtitipon ng mga bunga ng lupa, “ang ani ng lupain,” kasama na ang mga butil, langis, at alak. Kailangan silang tumahan sa mga kubol sa loob ng pitong araw ng kapistahan.
Kapistahan ng Kubol
Ginamit ng Diyos ang halamang upo para turuan siya na maging maawain
Jonas
Layunin nito na magsilbing legal na saligan para ang mga pinahirang Kristiyano ay makasama ni Kristo sa pamamahala bilang mga hari at sa paglilingkod bilang mga saserdote sa langit.
Tipan para sa Kaharian
Ang kapistahang ito ay halaw sa pagkain ng mga tinapay na tinatawag ding tinapay ng kapighatian at ang mga iyon ay nagsilbing taunang paalaala sa mga Judio hinggil sa kanilang apurahang paglisan sa lupain ng Ehipto kung kailan hindi na nila nagawang lagyan ng lebadura ang kanilang masang harina.
Kapistahan ng mga tinapay na walang pampaalsa
Buong-tapang niyang ibinunyag ang kasamaan ni Haman
Esther
Layunin nito na ilaan ang legal na kaayusan para si Jesus - ang pangunahing bahagi ng “binhi” ng babae - ay maging hari at saserdote magpakailanman.
Tipan para sa isang saserdoteng gaya ni Melquisedec
Isang pangalang ginagamit sa kristiyanong Griegong Kasulatan upang tumukoy sa kapistahan ng pagaani o kapistahan ng mga sanlinggo na tinatawag ding “araw ng mga unang hinog na bunga”.
Pentecostes
Iniutos niya na patayin ang 450 na propeta ni Baal sa agusang libis ng Kison. Bilang sagot sa panalangin niya, winakasan ni Jehova ang tagtuyot sa pamamagitan ng pagpapabuhos ng ulan. Pagkatapos nito, sa tulong ng kapangyarihan ni Jehova, tumakbo siya ng una pa sa karo ni Ahab, marahil ay mga 30km hanggang sa Jezreel.
Elias