Ano ang tamang kahulugan ng pagpapakatao?
A) Pagtulong sa iba kapag may kapalit
B) Paggalang sa dangal ng tao at pagpapakita ng mabuting asal
C) Pagsunod sa utos ng iba nang walang pagninilay
D) Paggamit ng kapuwa para sa sariling interes
B) Paggalang sa dangal ng tao at pagpapakita ng mabuting asal
Ito ay ang pagpapakita ng tapat na layunin at paglilingkod para sa kabutihan ng nakararami. Ano ito?
a. Puso b. Sincerity
c. Integridad d. Technocrat
b. Sincerity
Ano ang pinakapopular na social media platform sa Pilipinas na ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pagbabahagi ng impormasyon, at iba pa?
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng relihiyon at espirituwalidad?
Ang relihiyon ay isang institusyonalisadong sistema ng paniniwala at rituwal, samantalang ang espirituwalidad ay isang personal na paglalakbay patungo sa mas mataas na dimensiyon ng buhay.
Si Andrea ay isang atleta na ilang beses nang natatalo sa kompetisyon. Sa halip na sumuko, mas pinagbubutihan pa niya ang kanyang pagsasanay. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita ni Andrea?
Tiyaga
Ano ang kahulugan ng salitang Latin na Ens Amans?
Umiiral na pagmamahal o nagmamahal
Anong mahalagang kasanayan ang hinuhubog ng pamilya upang matulungan ang anak sa tamang pagpili ng lider?
a. Kritikal na Pag-iisip b. Pangangatwiran c. Kasipagan d. Katalinuhan
a. Kritikal na Pag-iisip
Si Marco ay nakatanggap ng isang mensahe mula sa isang di-kilalang tao na humihingi ng kanyang bank details kapalit ng isang malaking premyo. Ano ang tawag sa ganitong modus?
Online Scam
Anong katangian ng mabuting mamamayan ang may kinalaman sa pagsunod sa batas?
May paggalang sa batas
Ang tiyaga ay nagpapakita ng ________, kahit may mga hadlang sa pagkamit ng layunin.
Determinasyon
Sa tatlong katangian ng tao, magbigay ng isa.
May natatanging ganda
Nilikhang kawangis ng Diyos
May kalayaan piliin at isakilos ang nais gawin
Sa paanong paraan nagiging huwaran ang mga magulang sa tamang pamumuno?
Sa pamamagitan ng pagiging mabuting modelo ng integridad at katapatan
Anong cybercrime ang tumutukoy sa pagkuha ng personal na impormasyon ng isang tao upang gamitin sa ilegal na paraan, gaya ng pagkuha ng pautang sa kanyang pangalan?
Identity Theft
Ano ang layunin ng relihiyon?
A) Paghahanap ng materyal na kayamanan
B) Itaguyod ang isang partikular na pananampalataya sa pamamagitan ng paniniwala, ritwal, at doktrina
C) Pagpapalaganap ng personal na pananaw sa buhay
D) Pagpapalakas ng sistemang pampulitika
B) Itaguyod ang isang partikular na pananampalataya sa pamamagitan ng paniniwala, ritwal, at doktrina
Ano ang isa sa mga epekto ng kakulangan sa edukasyon?
A) Mas maraming oportunidad sa trabaho
B) Mas mataas na tsansa ng kahirapan at kawalan ng trabaho
C) Mas mataas na kita
D) Mas maraming oportunidad sa pag-unlad
B) Mas mataas na tsansa ng kahirapan at kawalan ng trabaho
Ito ay tumutukoy sa pag-aalala o pagtatanggol sa kapuwa lalo na sa panahon ng kalungkutan, kagipitan, at kahirapan
a. Kapuwa b. Pagpapakatao
c. Pagmamalasakit d. Ens Amans
c. Pagmamalasakit
Ibigay ang pitong katangian ng mabuting lider
1. Integridad 2. Karakter
3. Katapatan 4. Katotohanan
5. Katuwiran 6. Puso
7. Technocrat
Magbigay ng isang bunga ng mapanagutang paggamit ng social media
Ano ang pangunahing papel ng konsensiya sa espirituwalidad?
A) Gabay sa paggawa ng tamang desisyon para sa kabutihang panlahat
B) Para malaman kung sino ang tama at mali sa isang argumento
C) Upang ipakita ang kahusayan sa pagdedesisyon
D) Upang maunawaan ang sarili nang hindi isinasaalang-alang ang iba
A) Gabay sa paggawa ng tamang desisyon para sa kabutihang panlahat
Si Alvin ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Anong sanhi ng kawalan ng trabaho ang tinutukoy nito?
Kakulangan sa Edukasyon
Magbigay ng tatlong pangunahing tungkulin ng Kabataan.
Ibigay ang tatlong gampanin ng pamilya sa pagpili ng mabuting pinuno
Magbigay ng kilos at paraan ng wastong paggamit ng social media
Pagiging mapanuri sa lahat ng impormasyon.
Pagiging responsable sa pag-post sa mga social media accounts.
Pagkakaroon ng privacy (pribadong espasyo).
Magiliw na pakikipagkapuwa gamit ang social media.
Pagkakaroon ng disiplina sa balanseng paggamit ng social media.
Pagreport sa kinauukulan sa mga scam o krimen na nangyayari online.
Magninilay kung kailangan ba talagang i-post o mas pipiliing manahimik na lamang.
Ano ang moral na panuntunan?
Ang mga paniniwala sa kabutihan, pagkakapantay-pantay, at pagtulong sa kapuwa ay maaaring maging bahagi ng espirituwal na karanasan. Ang pagtalima sa moral na prinsipyo ay nagbibigay inspirasyon sa isang tao na maging mabuting mamamayan.
Ano ang koneksyon ng kahirapan, kakulangan sa edukasyon, at kawalan ng trabaho?
Isang paulit-ulit na problema na mahirap masolusyonan kung hindi ito matutugunan nang sabay-sabay.