Siya ang pangunahing tauhan ng akda na kritikal sa sistema ng edukasyon at pakiramdam niya ay sinisikil ang kanyang kalayaan sa paaralan.
Sino si Jojo?
Ang guro na hindi inaamin na may mali siya at kapag hindi siya nakahanda ng ano ituro sa klase, ginagawa niyang assignment.
Sino si Mr. Mathematics?
Dito pinatawag si Jojo ni Mrs. Moral Character para kausapin tungkol sa kanyang asal at opinyon sa klase.
Ano ang cubicle?
Ang "hari" sa pamagat ay sumisimbolo sa mga taong may kapangyarihan sa paaralan, gaya ng mga guro at administrador.
Ano ang mga guro o awtoridad sa paaralan?
Siya ang guro sa Social Science na laging nagbibigay ng moralistang pangaral at sumasagisag sa pagiging mapanghusga at palautos sa paaralan.
Sino si Mrs. Moral Character (Mrs. Eraser)?
Ang nahuling ka-holding hands ni Jojo.
Sino si Tess?
Lugar kung saan nahuling magkahawak-kamay sina Jojo at Tess, na naging dahilan ng tsismis ng mga guro.
Ano ang chapel?
Ang pagpapabango, pagsusuot ng mamahaling damit, at alahas ng mga guro ay sumisimbolo sa anong klase ng pagkatao?
Ano ang pagpapanggap o pagkukunwari?
Ang kaibigan ni Jojo na itinuturing na "cultural minority" at inakusahang baliw dahil sa pagiging matapat at iba ang pananaw sa buhay.
Sino si Minyong?
Ang estudyanteng mababa ang marka sa Physics pero pinasa dahil sa kanyang kabaitan.
Sino si Osias?
Ito ang naging desisyon ng mga guro matapos ang deliberasyon tungkol kay Jojo dahil sa kanyang pag-uugali at pananaw.
Ano ang i-bagsak grado niya at i-kick out siya sa eskwelahan?
Ang comfort room na may mga sulat ng hinaing ay nagsisilbing simbolo ng ano para sa mga estudyanteng katulad ni Jojo?
Ano ang lugar ng tahimik na pag-aaklas o protesta?
Siya ang guro na may pagka-elitista at laging ipinagmamalaki ang kanyang pinagmulan at lolo na kastila.
Sino si Mrs. English?
Ang guro na nakakita kina Jojo at Tess at agad nagkalat ng tsismis.
Sino si Mrs. Glesing?
Ito ang inakusa kay Minyong ng mga guro, kahit na ang tanging kasalanan niya ay ang pagiging totoo at iba ang pananaw.
Ano ang pagiging “baliw” at pagbagsak sa klase?
Ang pagbanggit sa mga henyo tulad nina Einstein, Kristo, at Beethoven ay tumutuligsa ng patakarang ito ng paaralan.
Ano ang sobrang pagbibigay-halaga sa panlabas na anyo at pormal na kwalipikasyon?
Siya ang guro na labis na mahigpit sa kaayusan at panlabas na anyo ng estudyante, at sumisimbolo sa makitid na pananaw ng paaralan
Sino si Mr. Discipline?
Siya ang premyadong manunulat ng “Utos ng Hari” na kilala sa paggamit ng makabago at makataong pananalita sa kanyang mga akda upang ipakita ang realidad ng lipunan.
Sino si Jun Cruz Reyes?
Matapos ang sermonan, pumunta dito si Jojo kasama ang kanyang mga barkada upang ilabas ang sama ng loob at uminom.
Ano ang Cubao?
Ito ang simbolo ng "sintas ng sapatos" na inihalintulad sa mga guro.
Ano ang pagkakakulong at kawalan ng kalayaan?