Sino ang nagsuot ng damit na gawa sa balat ng hayop matapos silang magkasala?
Sina Adan at Eva
(Genesis 3:21)
Anong mga hayop ang nilabanan ng batang si David upang maprotektahan ang kaniyang mga tupa?
Leon at Oso
(1 Samuel 17:34-35)
Sino ang tinawag na “anak ng kaaliwan” ng mga apostol?
Bernabe
(Gawa 4:36)
Anong acronym ang ginagamit para sa brother na nangangasiwa sa lupon ng matatanda?
COBE
Sino ang unang babaeng hukom na binanggit sa Bibliya?
Debora
Anong taon natin unang ginamit ang pangalang “Jehovah’s Witnesses”?
1931
Sino ang nagsuot ng makulay na balabal na naging dahilan upang mainggit ang kanyang mga kapatid?
Jose
(Genesis 37:3)
Anong hayop ang kumagat sa kamay ni Pablo, ngunit hindi siya nasaktan?
Ulopong
(Gawa 28:3-5)
Sino ang tinawag na “Israel” matapos makipagbuno sa isang anghel?
Jacob
(Genesis 32:28)
Anong acronym ang tawag sa brother na bumibisita sa mga kongregasyon dalawang beses sa isang taon?
CO
Sino ang unang taong tinawag na propeta sa Bibliya?
Abraham. (Genesis 20:7)
Sino ang tatlong unang presidente ng Watch Tower Bible and Tract Society?
Russell, Rutherford, at Knorr.
Sino ang nagsuot ng damit na gawa sa balahibo ng kamelyo at kumain ng balang at pulot-pukyutan?
Juan Bautista.
(Mateo 3:4)
Anong hayop ang napanaginipan ni Paraon—ang iba ay matataba at ang iba naman ay payat?
Mga Baka
(Genesis 41:1-4)
Sino ang may pangalang nangangahulugang “Ama ng Maraming Bansa”?
Abraham
Anong acronym ang nangangasiwa sa construction at renovation projects ng organisasyon?
LDC
Anong hayop ang unang binanggit sa Bibliya?
Ang mga nilalang sa dagat at mga lumilipad na nilalang. (Genesis 1:20-21)
Pangalanan ang anim na komite ng Governing Body.
Sino ang nagsuot ng kaniyang maharlikang kasuotan upang makipag-usap sa hari kahit hindi siya ipinatawag?
Reyna Ester. (Ester 5:1)
Anong hayop ang sinakyan ni Jesus nang pumasok siya sa Jerusalem bilang Hari?
Asno
(Mateo 21:5)
Sino ang tinawag na “Cefas,” na ang ibig sabihin ay “Bato”?
Simon Pedro
(Juan 1:42)
Anong acronym ang nangangasiwa sa operasyon at maintenance ng Kingdom Hall?
KHOC
Sinong propeta ang hindi namatay ngunit dinala sa ibang lugar sa pamamagitan ng ipoipo?
Elias
Sino ang apat na pinakabagong miyembro ng Lupong Tagapamahala?
Sino ang nagpunit ng kaniyang damit at nagsuot ng sako bilang tanda ng matinding kalungkutan?
Job (Job 1:20)
Anong maliit na insekto ang masipag magtrabaho kahit wala itong pinuno o tagapangasiwa?
Langgam
(Kawikaan 6:6-8)
Sino ang mga tinawag na “Boanerges,” o “Mga Anak ng Kulog”?
Santiago at Juan
(Marcos 3:17)
Anong acronym ang tumutulong sa mga brother at sister sa mga medical decisions na may kaugnayan sa dugo?
HLC
Sinong tao ang nakatulog sa isang sermon at nahulog mula sa bintana?
Eutico
Anong taon natapos ang pagtatayo ng world headquarters sa Warwick, New York?
2016
Sino ang sumayaw sa harap ni Jehova habang nakasuot ng linong epod?
David
(2 Samuel 6:14)
Anong malaking hayop ang inilalarawan sa aklat ng Job na kumakain ng damo at may malalakas na paa?
Behemot
(Job 40:15-24)
Sino ang tinawag na “Jehova ay Kaligtasan,” na siyang kahulugan ng kaniyang pangalan?
Jesus
(Mateo 1:21)
Anong acronym ang pangarap ng maraming single brothers, sisters, at mag-asawa na handang maglingkod saanman sila ipadala?
SKE
Anong hayop ang unang nagsalita sa Bibliya?
Ang ahas sa hardin ng Eden
Ilang paaralan mayroon sa organisasyon? (Bumanggit ng kahit tatlo)
Sino ang nagbigay ng kaniyang damit at mga kasuotang pandigma bilang tanda ng pagsuporta sa bagong hari ng Israel?
Jonathan
(1 Samuel 18:4)
Anong higanteng hayop sa dagat ang binanggit sa Job at Mga Awit?
Leviathan
(Job 41:1; Awit 104:25-26)
Sino ang may pangalang nangangahulugang “Prinsesa” matapos palitan ni Jehova ang kaniyang dating pangalan?
Sara
(Genesis 17:15
Anong acronym ang tumutukoy sa midweek meeting ng kongregasyon?
CLMM
Sinong tao ang lumakad sa tubig bukod kay Jesus?
Pedro
Anong taon nagsimulang ilabas ang JW Broadcasting?
2014
Sino ang nagpunit ng kaniyang kasuotan at tumangis nang marinig na binabasa ang Kautusan ng Diyos?
Haring Josias
(2 Hari 22:11)
Anong mga ibon ang nagdala ng pagkain kay Elias habang siya ay nagtatago?
Mga Uwak
(1 Hari 17:4-6)
Sino ang tinawag na “Tagapag-aliw” ng kaniyang ama dahil sa mahirap na buhay noon?
Noe
(Genesis 5:29)
Anong acronym ang hawak ng karamihan sa audience bago pa man sabihin ang unang teksto ng speaker?
NWT
Sino ang unang tao sa Bibliya na umiiyak na binanggit ayon sa pangalan?
Esau. (Genesis 27:38)
Ano ang dating pangalan ng magazine na kilala ngayon bilang Awake!
Consolation
Sino ang nagsuot ng damit na balahibo upang magpanggap sa kaniyang ama at matanggap ang pagpapala ng isang panganay?
Jacob
(Genesis 27:15-16)
Anong hayop ang ginamit ni Samson upang magdala ng apoy sa mga bukirin ng mga Filisteo?
Mga asong-gubat
(Hukom 15:4-5)
Sinong reyna ang kilala rin sa pangalang Hadassa?
Reyna Ester
(Ester 2:7)
Anong acronym ang hindi branch office, pero dito ginagawa ang pagsasalin ng mga publication sa maraming wika?
RTO
Anong dalawang aklat ng Bibliya ang walang binabanggit na pangalan ni Jehova?
Esther at Song of Solomon.
Anong publication ang pumalit sa What Does the Bible Really Teach? bilang pangunahing publication sa Bible study?
Enjoy Life Forever!