Anong alpabeto ang pumalit sa alibata noong panahon ng Espanyol?
Alpabetong Romano
Kailan ipinatupad ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasaad na Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa?
1937
Ano ang itinakda ng Proklamasyon Blg. 186 ukol sa Linggo ng Wika?
Inilipat ang Linggo ng Wika sa Agosto 13-19, kaarawan ni Quezon
Ano ang artikulo at seksyon ng Saligang Batas 1987 na nagsasaad na Filipino ang Wikang Pambansa?
Artikulo XIV, Seksyon 6
Saang panahon ginamit ang Ingles bilang pangunahing wikang panturo sa paaralan?
Panahon ng Amerikano
Sino ang pangulo na nagpalabas ng Proklamasyon Blg. 1041 (Buwan ng Wika)?
Pangulong Fidel V. Ramos
Ano ang wikang itinaguyod ng mga Hapon bilang opisyal noong kanilang pananakop?
Tagalog at Niponggo
Anong batas ang nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP)?
Batas ng Komonwelt Blg. 184
Ano ang kahulugan ng SWP?
Surian ng Wikang Pambansa
Ano ang wikang ginamit ng mga Propagandista sa pagsusulat ng pahayagan laban sa mga Kastila?
Wikang Tagalog
Kailan nagsimulang gamitin ang katawagang "Filipino" bilang Wikang Pambansa?
1987 Konstitusyon
Ano ang ibig sabihin ng lingua franca?
Wikang nag-uugnay sa iba't ibang grupong wika
Ayon kay Kom. Francisco Rodrigo, ano ang batayan ng Filipino?
Batay sa Pilipino, at ang Pilipino ay batay sa Tagalog
Ano ang iniutos ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 ni Pang. Macapagal?
Awitin ang Pambansang Awit sa titik na Pilipino
Sino ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa"?
Manuel L. Quezon
Ipaliwanag kung bakit hindi ginawang opisyal na wika ang Espanyol sa lahat ng mamamayan noong panahon ng Espanyol.
Mas epektibo para sa mga Espanyol ang paggamit ng katutubong wika upang madaling mapalaganap ang Kristiyanismo
Ano ang dahilan kung bakit ibinatay sa Tagalog ang Wikang Pambansa ayon sa SWP?
Pinili ang Tagalog dahil may pinakamaraming panitikan at madaling matutuhan
Ano ang epekto ng pananakop ng mga Amerikano sa paggamit ng Ingles sa Pilipinas?
Naging pangunahing panturo ang Ingles at maraming Pilipino ang natutong bumasa at sumulat dito
Bakit inilipat sa Agosto 13-19 ang Linggo ng Wika?
Upang maitapat sa kaarawan ni Manuel L. Quezon
Ano ang nilalaman ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong 1940?
Pagpalimbag ng balarila at diksyunaryo sa Tagalog at pagtuturo nito sa paaralan
Paano nagbago ang konsepto ng Wikang Pambansa mula 1935 hanggang 1987 batay sa mga Konstitusyon?
1935: batayan sa katutubong wika; 1973: maaaring ibatay sa umiiral na wika; 1987: Filipino na ang Wikang Pambansa
Ihambing ang epekto ng tatlong mananakop (Espanyol, Amerikano, Hapon) sa pag-unlad ng wikang pambansa.
Espanyol: Kristiyanismo at alpabetong Romano; Amerikano: Ingles bilang panturo; Hapon: Itaguyod ang Tagalog
Ipaliwanag ang relasyon ng mga proklamasyon at kautusan sa pagbabago ng Linggo/Buwan ng Wika.
Ipinapakita ang pagbabago ng prayoridad sa paggunita at pagpapalawak ng Linggo ng Wika
Kung hindi ibinatay sa Tagalog ang Wikang Pambansa, alin sa ibang wika ang maaaring maging batayan at bakit?
Maaaring Cebuano o Ilokano dahil sa lawak ng tagapagsalita at panitikan
Paano nagkaroon ng historikal na perspektibo ang Filipino ayon kina Rodrigo at Bennagen?
May malinaw na pag-usbong mula Tagalog-Pilipino-Filipino kaya may kasaysayan at basehan