Anong wika ang ginamit ng mga Kastila bilang wikang panturo para sa mga ilustrado?
Espanyol/Kastila
Anong wika ang ipinakilala ng mga Amerikano bilang pangunahing wikang panturo?
Ingles
Anong artikulo at seksyon ng 1935 Konstitusyon ang tumutukoy sa pambansang wika?
Artikulo XIV, Seksyon 3
Anong wika ang kinilala bilang pambansang wika sa 1987 Konstitusyon?
Filipino
Anong dalawang asignatura ang ipinag-utos na ituro sa Ingles simula ikatlong baitang sa EO 210?
Matematika at Agham
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hindi lumaganap ang wikang Kastila sa buong bansa bilang wikang panturo?
Limitado lamang sa mga ilustrado at hindi itinuro sa masa/indio
Anong grupo ng mga unang guro Amerikano ang dumating sa Pilipinas noong 1901?
Thomasites
Sino ang nagmungkahing isama ang probisyon sa pambansang wika sa 1935 Konstitusyon?
Wenceslao Vinzons
Aling artikulo ng 1987 Konstitusyon ang tumutukoy sa wika?
Artikulo XIV
Ilang porsyento ng mga paaralan noong 2023 ang ganap na nakakasunod sa lahat ng rekisitos ng MTB-MLE?
Mas mababa sa 10%
Anong uri ng edukasyon ang ibinigay ng mga Kastila sa karaniwang mamamayan (indio)?
Relihiyosong edukasyon (pagtuturo ng doktrina Kristiyano at pagbasa gamit ang kartilya)
Anong asignatura ang unang itinuro gamit ang Ingles sa mga pampublikong paaralan?
Wikang Ingles mismo (English language)
Ano ang layunin ng Commonwealth Act No. 184 ng 1936?
Pagbuo ng Surian ng Wikang Pambansa upang mag-aral at pumili ng pambansang wika
Ano ang papel ng mga wikang panrehiyon ayon sa 1987 Konstitusyon?
Pantulong na wikang opisyal at panturo
Anong uri ng mga materyales ang ginagawa sa UP upang suportahan ang paggamit ng Filipino sa akademya?
Mga aklat at glosaryong akademiko sa Filipino
Sino ang mga pangunahing tagapagturo noong panahon ng Kastila?
Mga prayle o misyonero
Anong batas noong 1901 ang nagpatatag ng sistema ng pampublikong paaralan sa Pilipinas?
Act No. 74 ng Philippine Commission
Kailan naging epektibo ang Tagalog bilang pambansang wika ayon sa Commonwealth Act No. 570?
Hunyo 4, 1946
Anong taon ipinagtibay ang 1987 Konstitusyon?
February 2,1987
Ilang porsyento ng target na guro at school heads ang nakatanggap ng sapat na pagsasanay para sa MTB-MLE?
23%
Kailan nagsimula ang pagtatatag ng mga paaralang pangbabae sa Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila?
1863, sa bisa ng Royal Decree ng Edukasyon
Ilan ang mga gurong Thomasites na ipinadala sa Pilipinas noong Agosto 1901?
540 guro
Ano ang pangalan ng institusyong itinatag sa ilalim ng Commonwealth Act No. 184 upang pag-aralan ang pambansang wika?
Surian ng Wikang Pambansa (National Language Institute)
Anong komisyon ang nilikha upang paunlarin ang wikang pambansa?
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Anong organisasyon ang nagsampa ng petisyon laban sa EO 210?
Wika ng Kultura at Agham, Inc. (WIKA)