Maaari gawing panlasa; madalas nakikita sa mga kakanin
Ano ang Ube?
Isinulat ni Jose Palma at isinaayos ni Julian Felipe, ito ay kinakanta sa simula ng lahat ng mga importante at opisyal na mga seremonya sa Pilipinas.
Ano ang Lupang Hinirang?
Tradisyon ng paghahabi gamit ang mga dahon ng buri upang gumawa ng iba’t ibang gamit; galing sa Malolos, Bulacan.
Ano ang Paghahabing Puni / Puni Weaving?
Ang nagsulat ng mga literaturang nagbigay inspirasyon sa pagumpisa ng rebolusyon ng Pilipinas.
Sino si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda?
Kulay na nakikita sa bahaghari; kadalasang iniuugnay sa pagiging makapangyarihan o sa pagkakaroon ng mataas na posisyon tulad ng hari.
Ano ang Lila?
Madalas ibenta sa tabi ng daan; galing sa embryo ng mga itik
Ano ang Balut?
Tradisyong Pilipino na ginagawa ng isang lalaki para sa babae niyang sinta; madalas bumibisita ang lalaki sa labas ng bahay at ginagawa ito.
Ano ang Harana?
Palamuti na hugis bituin; ginagamit tuwing pasko
Ano ang Parol?
Isang sistema na ginamit ng mga ninuno bago ang pagtatag ng paggamit ng pera; madalas ginamit kasama ang mga Tsino.
Ano ang Barter?
Isang paraan ng paggawa ng mga gamit tulad ng bag, laruan at mga palaspas tuwing kuwaresma; “weave”
Ano ang Habi?
Tawag sa paraan ng salo salo kung saan ang pagkain ay nakalatag sa dahon
Ano ang Boodle Fight?
Kilala dahil sa kaniyang pagganap sa Miss Saigon at iba pang palabas tulad ng tulad ng Aladdin at Mulan, ipinagmamalaki ng Pilipinas dahil sa kanyang papel sa paglaganap ng larangan ng broadway at kanta.
Sino si Lea Salonga?
Pagdiriwang sa Siyudad ng Baguio, na nagbibigay-halaga sa namumulaklak na mga bulaklak at katatagan ng lungsod.
Ano ang Panagbenga Festival?
Mga pinunong espiritwal sa mga komunidad ng sinaunang tao na may abilidad na makipag-ugnayan sa kalikasan at mga ninuno; kadalasan mga babae, at namumuno sa pagpapagaling at mga ritwal.
Ano ang Babaylan o Katalonan?
Tumutukoy sa mga akdang sinulat, salita, o digital na may sariling paksa, kuwento o layunin; “Literature”
Ano ang Panitikan?
Inimbento dahil sa kaunting bilang ng mga kamatis noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Ano ang Banana Ketchup?
Ang kanta ng bandang ito ay gumamit ng recording ng pagkanta ng mga nanood ng konsyerto nila sa Pilipinas noong 2024 sa mga unang demo nito.
Sino ang Coldplay?
Sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga Espanyol
Ano ang Baybayin?
Ang BUONG pangalan ng organisasyong itinatag ni Andres Bonifacio sa panahon ng rebolusyon laban sa mga Espanyol.
Ano ang Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK)?
Tawag sa nilalang na sinamba ng mga sinaunang Pilipino; “deity”
Ano ang Bathala, Anito, Diwata?
Isang pampalasa o rekado na gawa sa mga hipon; maaaring ilagay sa manggang hindi pa hinog, o manggang berde, na madalas ibinibenta rin sa labas.
Ano ang Bagoong?
Isang 2000s na banda na may miyembrong pinoy; kinanta ang mga sikat na kantang "The Apl Song" and "Bebot”
Pelikulang pinanood sa isang pulong ng Kultura Club; tungkol sa isang ama na may apat na anak.
Ano ang "Seven Sundays"?
Nangyari noong WWII; kilala bilang isa sa pinakamalaking labanang pandagat sa kasaysayan.
Ano ang Digmaan sa Golpo ng Leyte / Battle of Leyte Gulf?
Uri ng mandirigma sa sinaunang lipunang Tagalog sa Luzon, naglingkod sa mga datu; “Noble” o “Nobility” sa pagsasalin ngayon.
Ano ang Maharlika?