Ito ang pangunahing sasakyang pandagat na ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa pakikipagkalakalan sa iba't ibang kapuluan.
Balangay
Ito ang tawag sa pamayanang karaniwang matatagpuan sa mataas na bahagi ng kabundukan.
Ilaya
Ito ay tumutukoy sa kabuuang paraan ng pamumuhay, paniniwala, tradisyon, at pagpapahalaga ng isang pangkat ng tao.
Kultura
Ito ay paniniwalang nagpapatuloy ang pag-iral ng tao matapos ang pisikal na kamatayan.
Kabilang buhay
Ito ay katutubong paraan ng pagpapahayag ng pananampalataya.
Folk Religiosity
Wala itong sariling tahanan at naninirahan lang sa bahay ng kaniyang amo habang nagsisilbi rito.
Alipin saguiguilid
Ito ay may malaking impluwensya sa paghubog ng kultura at pamumuhay ng isang pamayanan.
Heograpiya
Babaeng inaalagaan at inihahanda bilang tagapag-ingat ng kaalamang-bayan sa ilang pamayanang Panay.
Binukot
Siya ang kinikilalang pinakamakapangyarihang diyos ng mga tagalog.
Bathala
Ang konsepto ng kapwa ay kolektibismo. Tama o Mali? Bakit?
Tama. Dahil tinitingnan natin ang iba bilang bahagi ng ating sarili.
Ito ay kakayahang unawain ang nakaraan batay sa konteksto ng panahon upang maging gabay sa pag-unawa sa kasalukuyan at hinaharap.
Kamalayang Pangkasaysayan
Ito ay paraan ng pamumuhay na nakaugat sa dagat, kabilang ang pangingisda, paglalayag, at kalakalan.
Kulturang Maritimo
Ipaliwanag: Ang kultura ay buhay.
Ito ay patuloy na umaangkop at nagbabago kasabay ng panahon.
Ito ang tawag sa tradisyunal na paraan ng pagmamasahe at pag-aalaga sa katawan sa ilang pamayanang Pilipino.
Hilot
Magbigay ng halimbawa ng Folk Religiosity.
Translacion, Sinulog, Pahiyas, Simbang gabi
Ito ang pangunahing paraan ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga karatig na pamayanan bago dumating ang mga Espanyol.
Barter
Pangkat ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu na may mayamang kasaysayan ng kalakalan at sultanato.
Moro
Ano-ano ang Dimensyon ng Buhay ng tao?
Pisikal, Espirituwal, Panlipunan, Kalikasan
Ito ay maaaring tumukoy sa pisikal, emosyonal, panlipunan, at espirituwal na kalagayan ng tao.
Kaginhawaan/Ginhawa/Life Force
Ito ay nagsisilbing gabay sa pagpili ng kilos na katanggap-tanggap sa sarili.
Hiya
Ito ay tradisyunal na instrumentong binubuo ng magkakasunod na maliliit na gong.
Kulintang
Ang lokasyong heograpikal ng isang pamayanan ay maaaring makaapekto sa kanilang __________ at ___________.
Ano ang papel ng pamilya sa inyong pagkakakilanlan?
Ang bawat tradisyon, wika, at kaugalian na ating tinatanggap mula sa ating pamilya ay nagbibigay ng malalim na kahulugan sa ating pagkatao.
Ito ay tumutukoy sa paniniwala sa iisang diyos na makapangyarihan.
Monotheistic
Ito ang bumubuo sa makabagong pananampalatayang Pilipino.
Katutubong paniniwala at impluwensiyang kolonyal.