Throwback!
Abakada
Kaka-selpon mo yan!
Wika sa Edukasyon
Bagets Slang
100

Ano ang tanyag na tambayan ng mga kabataan noon upang maglaro ng LAN games o mag-internet?

Ano ang 'Com-Shop'/'Kompyuter Shop'?

100

Magbigay ng KAHIT ISANG letrang idinagdag sa modernong alpabeto na wala sa lumang Abakada.

Ano ang C, F, J, Ñ, Q, V, X, o Z (pumili ng isa)?

100

Ano ang tawag sa mga nakatutuwang larawan, bidyo, o teksto na mabilis na kumakalat sa internet at nilalapatan ng bagong konteksto ng mga netizen?

Ano ang 'Meme'?


100

Anong asignatura ang tinangka sanang alisin sa general education curriculum sa kolehiyo noong 2013 kaya nagdulot ito ng malaking protesta?  

Filipino (at Panitikan)

100

Ano ang pampublikong tsismis o usap-usapan na madalas itanong sa linyang "Ano ang ___?"

Ano ang 'Chika'? 

200

Kung "OOTD" o "fit" ang tawag ngayon, ano ang klasikong salita para sa maayos na pananamit?

Ano ang 'Porma' o 'Japorms'?

200

Ano ang tawag sa lumang alpabeto na may 20 letra lamang (na kilala sa pagkakasunod-sunod na A, B, K, D...)?

Ano ang Abakada?

200

Ano ang tawag sa biglang pagputol ng komunikasyon at hindi na pagpaparamdam sa ka-chat nang walang anumang paalam o paliwanag?

Ano ang 'Ghosting'?

200

Anong sinaunang at katutubong sistema ng pagsulat ang may mga isinusulong na panukalang batas upang opisyal na i-integrate sa kurikulum ng mga paaralan?

Ano ang baybayin? 

200

Kapag ang isang bagay o tao ay sinabihang "jologs," ano ang ibig sabihin nito?

Ano ang 'Corny' o mukhang mura?
300

Anong lumang salitang kanto ang nangangahulugang "wala," "zero," o bultong talo? 

hint: WOWOWIN

Ano ang 'bokya'?

300

Anong ahensya ng gobyerno ang pangunahing nangangasiwa sa pagpapaunlad at pagpreserba ng wikang pambansa ngayon?

Ano ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)? 

300

Ano ang slang term para sa taong sobrang babad sa internet kaya pati ang pananaw, argumento, at lengguwahe niya sa totoong buhay ay nakabase na lang sa mga away sa Twitter/X at TikTok?

Ano ang 'Chronically Online'?

300

Ano ang ibig sabihin ng acronym na MTB-MLE na ginagamit sa pagtuturo mula Kinder hanggang Grade 3?

Ano ang Mother Tongue-Based Multilingual Education?

300

ano ang modernong salita na ginagamit kapag may magandang nangyari sa isang tao o kapag nakatanggap ng karampatang karma na karapat-dapat niyang matanggap?

Ano ang 'dasurv'?

400

Ano ang tawag sa taong madalas mong ka-chat o kinakausap gamit ang SMS noong 2000s?

Ano ang 'textmate'?

400

Ilang titik o letra ang mayroon sa kasalukuyang modernong Alpabetong Filipino?

Ilan ang 28?

400

Noong 2010s, nauso ang pagtatype ng "mUzT4h p0wHz zUhn0h" dahil sa limitasyon ng keypad at SMS. Anong subkultura at natatanging paraan ng pagsulat ito?

Ano ang 'Jejemon'?

400

Anong dalawang asignaturang pampagkatuto ang ipinag-utos na ituro gamit ang Ingles noong 2003 (EO 210)?

Mathematics at Science  

400

Anong filler word o pampalit na salita ang ginagamit kapag ayaw banggitin ang eksaktong detalye, o kaya'y para sabihing "joke lang" o "charr"?

Ano ang 'Eme'?

500

Bago naging ususo ang mobile data, ano ang tawag sa pagpapadala ng cellular load sa kaibigan via SMS?  

Ano ang 'Pasaload'?

500

Ilang titik ang idinagdag sa modernong Alpabetong Filipino upang maging 28 ito mula sa lumang Abakada?

Ilan ang 8 na titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z)?

500

Ano ang tawag sa walang humpay na pag-scroll sa Feed o FYP kahit ala-una na ng madaling araw at masakit na ang mata?

Ano ang 'Doomscrolling'?

500

Anong batas ang nagpatupad ng dagdag na dalawang taon (Grade 11 at 12) sa batayang edukasyon sa bansa?  

Ano ang K to 12 Program / Enhanced Basic Education Act of 2013?

500

Ano ang tawag sa proseso ng pagbaliktad ng mga salita tulad ng "Lodi" (Idol) o "Petmalu" (Malupit)?  

Ano ang 'Tadbalik / Salitang Baliktad'?

M
e
n
u