Ano ang tawag sa proseso sa paglilipat ng mga katutubo sa isang sentralisadong pamayanan o pueblo para mas mapabilis at mapalakas ang kontrol, asimilasyon, at eksploytasyon ng mga Filipino. Ano ang tawag sa patakarang ito?
Reduccion
Ano ang lungsod na idineklarang "open city" noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Manila
Ano ang tawag sa dokumentong nilagdaan ni Ferdinand Marcos Sr. na pormal na nagsailalim sa Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar?
Presidential Proclamation 1081
Ano ang tamang basa sa "oh c'mon"
oh simon
Tama o Mali: Sa ilalim ng Treaty of Paris noong 1898, isinuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang 40 milyong dolyar.
Tama
Kinailangan muna ng hindi bababa sa 300,000 botong pabor sa isang plebisito sa ilalim ng 1935 Constitution bago tuluyang naipagkaloob ang karapatang bumoto sa mga kababaihan. Anong taon opisyal na naipagkaloob ang karapatang ito sa Pilipinas?
1937
Sa ilalim ng administrasyong Rodrigo Duterte, ipinatupad ang isang malawakang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na aktibidad na naging sentro ng mga operasyon ng pulisya sa iba’t ibang komunidad, na umani ng matinding kontrobersiya dahil sa mga ulat ng marahas na implementasyon at pagkamatay ng mga sibilyan, kabilang ang 17-anyos na si Kian delos Santos. Anong kampanya ito?
War on Drugs
Ayon sa pag-aaral kailan daw ang nalalapit na paggunaw ng mundo?
November 13, 2026
Ano ang tawag sa sistemang ipinatupad kung saan sapilitang pinagbebenta ng taunang quota ng produkto ang mga Pilipino sa gobyerno sa mababang presyo o kadalasa'y promisory note?
Bandala
Bilang ganti sa pagkilos ng mga Pilipino noong Digmaang Pilipino-Amerikano, nagsagawa ang puwersang Amerikano ng pagkitil at pagsira na tinawag na Balangiga Massacre. Saang lalawigan ito naganap?
Samar
Apektado ang Pilipinas sa krisis sa Middle East at sa pagsasara ng Strait of Hormuz kung saan dumadaan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa mundo. Dahil nag-aangkat ang bansa ng mahigit 98% ng langis, nananawagan ang marami na ibasura ang Oil Deregulation Law na nag-alis sa kontrol ng gobyerno sa presyuhan nito. Sa kaninong administrasyon nilagdaan ang batas na ito?
Fidel Ramos
Ano ang pamagat ng kinanta ni Jane de Leon sa kumakalat niyang sikat na bidyo ngayon?
Awitin mo, Isasayaw ko
Anong mga barko ang nakabalik ng Espanya mula sa Ekspedisyon ni Magellan?
Victoria
Si Macario Sakay ang nagtatag ng Tagalog Republic at nagpatuloy ng armadong paglaban laban sa mga Amerikano kahit idineklara na nilang tapos na ang digmaan, dahil naniniwala siyang lehitimo pa rin ang kanilang pamahalaan at pakikibaka; ngunit kalaunan ay siya ay inaresto at hinatulan bilang isang “bandido” sa ilalim ng isang batas na nagkriminalisa sa armadong paglaban. Anong batas ito?
Brigandage Law
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nawasak ang lungsod ng Maynila at humarap sa maraming isyung pang-urban gaya ng matinding pagtaas ng populasyon. Buhat nito, inilipat ang kabisera tungo sa lungsod ng Quezon para magsilbing bagong sentro ng pamahalaan. Sa kaninong administrasyon inilipat ang Kabisera ng Pilipinas patungong Lungsod ng Quezon?
Elpidio Quirino

Ano ginagawa ni ate rito sa bidyo na ito?
Gwiyomi
Sino ang nagdaos ng unang misa sa Pilipinas noong Marso 31, 1521 sa Limasawa?
Fr. Pedro de Valderrama
Ang bayan na ito ay sinunog ng mga sundalo ng República Filipina upang maantala ang pag-abante ng mga Amerikano noong 1899, ngunit marami ring taga-roon ang nasawi at kasamang sinunog ng buhay sa loob ng simbahan nito. Ano ang bayan na sumuporta sa mga Amerikano dulot ng mga pang-aabusong ginawa ng mga sundalong Tagalog sa mga taong-bayan, na sila ay kinalap na maging parte ng isang rehimyento ng kabalyera na nagtulong sa pagdakip ni Emilio Aguinaldo noong 1901?
Macabebe
Kilala si Ferdinand Marcos Sr. sa kaniyang myth-making, isang propaganda para pabanguhin ang kaniyang pangalan at ng kaniyang pamilya sa pamamagitan ng gawa-gawang naratibo. Isang halimbawa nito ang kaniyang biograpikal na pelikula na inilabas bilang bahagi ng kanyang kampanya para sa pagkapangulo noong 1965. Ipininta rito si Marcos Sr. bilang itinadhanang lider at isang bayani. Ano ang pamagat ng pelikulang ito?
Iginuhit ng Tadhana
Ano ang dalawang insektong ginamit sa kantang Weng Weng Weng ni Uncle Dags?
Paru-paro at Gamu-gamo