Ito ang bahaging kadalasang unang binabasa ng mambabasa upang malaman kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa kaniyang pangangailangan.
Ano ang abstrak?
Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng buod.
Ano ang maipahayag ang mahahalagang ideya ng isang teksto sa pinaikling paraan?
Ilang sanggunian ang karaniwang ginagamit upang makabuo ng sintesis?
Ano ang dalawa o higit pa?
Anong panauhan ang ginagamit sa pagsulat ng bionote?
Ano ang ikatlong panauhan?
Ito ang pangunahing layunin ng posisyong papel.
Ano ang maglahad at ipagtanggol ang isang paninindigan?
Ito ang pangunahing layunin ng talumpati.
Ano ang magpabatid, manghikayat, o magbigay-inspirasyon?
Anong uri ng abstrak ang naglalaman ng layunin, metodo, resulta, at kongklusyon?
Ano ang impormatibong abstrak?
Sa paggawa ng buod, alin ang dapat alisin?
Ano ang mga di-mahahalagang detalye?
Ito ang unang hakbang bago pagsamahin ang mga ideya ng iba't ibang sanggunian.
Ano ang pagbabasa at pagsusuri ng bawat sanggunian?
Anong panauhan ang ginagamit sa pagsulat ng bionote?
Ano ang ikatlong panauhan?
Ano ang tawag sa mga datos na ginagamit upang suportahan ang isang argumento?
Ano ang ebidensya?
Ito ang bahagi ng talumpati na naglalaman ng pangunahing ideya at mga paliwanag.
Ano ang katawan?
Tama o Mali: Ang abstrak ay maaaring maglaman ng mga bagong impormasyon na wala sa mismong pananaliksik.
Ano ang Mali?
Tama o Mali: Ang buod ay maaaring dagdagan ng sariling interpretasyon ng manunulat.
Ano ang Mali?
Ano ang tawag sa sintesis na naglalayong hikayatin ang mambabasa sa isang paninindigan?
Ano ang argumentatibong sintesis?
Anong impormasyon ang mas mahalagang ilagay: paboritong pagkain o propesyonal na karanasan?
Ano ang propesyonal na karanasan?
Tama o Mali: Ang opinyon lamang ay sapat na upang maging matibay ang posisyong papel.
Ano ang Mali?
Anong uri ng talumpati ang ganap na isinasaulo bago bigkasin?
Ano ang isinaulong talumpati?
Bakit kailangang maikli ngunit kumpleto ang abstrak?
Upang mabilis na maunawaan ng mambabasa ang kabuuan ng pag-aaral.
Anong kasanayan ang pinakamahalagang gamitin bago magsimulang magsulat ng buod?
Ano ang pagtukoy sa pangunahing ideya?
Bakit mahalagang ihambing ang mga impormasyon mula sa iba't ibang sanggunian?
Upang makita ang pagkakatulad, pagkakaiba, at makabuo ng bagong ideya.
Bakit hindi dapat gawing napakahaba ang bionote?
Dahil layunin nitong maikling ipakilala ang isang tao.
Bukod sa estadistika, magbanggit ng dalawang maaaring gamiting batayan ng argumento.
Halimbawa: resulta ng pananaliksik, opinyon ng eksperto, batas, o aktuwal na pangyayari.
Ano ang pinakamahalagang isaalang-alang bago gumawa ng talumpati?
Ano ang layunin at mga tagapakinig?
Ipaliwanag kung bakit karaniwang isinusulat ang abstrak pagkatapos matapos ang buong pananaliksik.
Sapagkat kailangan munang malaman ang kabuuang nilalaman, metodo, resulta, at kongklusyon ng pag-aaral bago ito maibuod nang wasto.
Ano ang maaaring mangyari kung lahat ng detalye ay isinama sa buod?
Hindi na ito magiging buod sapagkat magiging halos kapareho na ng orihinal na teksto.
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng sintesis sa simpleng pagkolekta ng impormasyon?
Ang sintesis ay nag-uugnay at nagsusuri ng mga impormasyon upang makabuo ng bagong pananaw.
Kung ikaw ay iimbitahang maging tagapagsalita sa seminar, ano ang tatlong impormasyong dapat ilagay sa iyong bionote?
Halimbawa: pangalan, edukasyon, propesyon o karanasan, at mga natamong tagumpay.
Bakit kailangang kilalanin din ang kabilang panig sa isang posisyong papel?
Upang maging balanse at mas mapatibay ang sariling paninindigan.
Bakit mahalaga ang malakas na kongklusyon sa isang talumpati?
Upang mag-iwan ng malinaw at matatag na mensahe sa mga tagapakinig.