Ito ang tawag sa estado ng isang bansa matapos makamit ang kalayaan mula sa banyagang pananakop.
Kasarinlan
Ito ang damdamin ng pagiging tapat at may pagmamahal sa sariling bayan.
Nasyonalismo
Araw na opisyal na idineklara ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong 1898
Hunyo 12
Ito ang uri ng kalayaan na nagbibigay-daan sa isang bansa o grupo na panatilihin at paunlarin ang sariling wika, tradisyon, at sining.
kalayaang pang-kultural
Uri ng nasyonalismo na nakabatay sa pagkakaisa ng mga taong may iisang lahi, kultura, at tradisyon.
Nasyonalismong Etniko
Ano ang itinatag ni Rizal noong 1892 upang pag-isahin ang mga Pilipino?
La Liga Filipina
Pahayagang isinulat at inilathala ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya bilang plataporma para sa reporma sa ilalim ng Espanyol.
La Solidaridad
Ito ang bansang Europeo na unang nakontrol sa Indonesia.
Netherlands (Olandes / Dutch)
Ito ang uri ng kalayaan na nagpapahintulot sa isang bansa o mamamayan na magpatakbo ng sariling pamahalaan at gumawa ng sariling batas.
kalayaang politikal
Uri ng nasyonalismo na nagsusulong ng pagkakaisa ng mga taong may iisang lahi, kultura, wika, o pinagmulan kahit sila ay nasa iba’t ibang bansa.
Pan-Nationalism
Ang damdaming ito ang nagtutulak sa isang tao na ipagtanggol ang kanyang bansa at kultura laban sa panganib o pananakop.
patriotismo
Pagkatapos buksan ito noong 1869, naging mas mabilis ang paglalakbay mula Europa patungong Pilipinas, kaya mas marami ang ideyang liberal na nakaabot sa mga Pilipino, kabilang si Rizal.
Suez Canal o Kanal Suez
Aspektong tumutukoy sa kakayahan ng bansa na magkaroon ng sariling pamahalaan, batas, at pinuno.
pampulitikang kasarinlan
Paring Pilipino na kinilala bilang “Ama ng Sekularisasyon” dahil sa kanyang pagtatanggol sa karapatan ng mga paring Pilipino
Padre Pedro Peláez
Uri ng nasyonalismo na nagiging labis at nagreresulta sa diskriminasyon, pang-aapi sa ibang grupo, o paniniwalang mas mataas ang isang bansa kaysa sa iba.
Extreme Nationalism
Sino ang tatlong paring martir na nagpasiklab sa damdaming makabansa ng mga Pilipino?
GOMBURZA
Bansang Asyano na nakamit ang kasarinlan mula sa France sa pamamagitan ng rebolusyon at deklarasyon ng kalayaan noong 1945
Vietnam
Aspektong nakatuon sa kalayaan ng bansa na pamahalaan ang likas na yaman, kalakalan, at yaman nang hindi nakadepende sa dayuhan.
Kalayaang pang-ekonomiya
Ito ang pambansang bayani ng Myanmar na tinaguriang “Ama ng Bansang Myanmar
Aung San
Uri ng nasyonalismo na nakatuon sa pagnanais ng isang bansa na magkaroon ng sariling pamahalaan at makalaya mula sa banyagang kapangyarihan.
Nasyonalismong Pulitikal
Ang lungsod sa Pilipinas kung saan ipinanganak si Rizal.
Calamba, Laguna
Bansang Asyano na nakamit ang kasarinlan mula sa pananakop ng Netherlands noong 1945.
Indonesia
Ito ang karapatan ng isang bansa o grupo na pumili ng sarili nilang anyo ng pamahalaan at direksyon ng kanilang kinabukasan.
pang-sariling pagpapasya
Lider ng rebolusyong lumaban sa pananakop ng France at Japan sa Vietnam
Ho Chi Minh
Uri ng nasyonalismo na isinusulong at pinapalakas ng mga miyembro ng isang lahi o bansa kahit sila ay naninirahan sa ibang bansa.
Nationalismong diaspora