Ano ang kahulugan ng nobela?
Isang uri ng prosa na binubuo ng magkakaugnay na pangyayari, nahahati sa mga kabanata, may maraming tauhan, at sumasaklaw sa mahabang panahon.
Kailan isinulat ang nobelang "Ang Matanda at Ang Dagat"?
1951
Sino ang may-akda ng Ang Matanda at ang Dagat?
Ernest Hemingway.
Jesus Manuel Santiago
Sino ang may-akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
Dr. Jose P. Rizal
Ilan ang pangunahing elemento ng nobela ayon sa modyul?
Siyam (9)
Ilan ang inirerekomendang pangungusap sa paggawa ng buod ng isang maikling kuwento?
A: Lima hanggang anim na mahahalagang pangungusap.
Ano ang tinutukoy ng paksa sa suring-basa?
Sumusagot sa tanong na “tungkol saan ang binasa.”
Tukuyin ang pangunahing tauhan sa Ang Matanda at ang Dagat at ang suliraning kanyang kinaharap.
Santiago – isang matandang mangingisda na nakipaglaban sa dambuhalang isda at mga pating
Ano ang tawag sa uri ng tunggalian kung ang tauhan ay nakikipaglaban sa lipunan?
Tao Vs. Lipunan
Ano ang siyam na elemento ng isang nobela?
Banghay, Tauhan, Tagpuan, Tunggalian, Himig, Kasukdulan, Solusyon, Resolusyon, Wakas
Ano ang tawag sa bahagi ng suring-basa na nagpapakita ng epekto ng akda sa pag-iisip ng mambabasa?
Bisa sa isip.
Tukuyin at ipaliwanag ang pagkakaiba ng bisa sa isip at bisa sa damdamin gamit ang halimbawa mula sa isang nobela.
Bisa sa isip → natutunan o ideya.
Bisa sa damdamin → emosyon o naramdaman.
Ano ang format ng suring-basa?
I. Pamagat, May-akda, Genre
II. Buod
III. Paksa
IV. Bisa (isip at damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang ginamit
Ano ang kahulugan ng “mensaheng” bahagi ng suring-basa?
Tumutukoy sa gustong iparating ng teksto o ng may-akda sa mambabasa.
Sa halimbawa ng suring-basa, ano ang paksa na nakapaloob sa kwento ni Santiago?
Ang pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at ang mga pagsubok na hinaharap nito.