Ito ang hanging nagdadala ng malakas na ulan mula Hunyo hanggang Setyembre, na kilala rin sa tawag na Southwest Monsoon.
Habagat
Siya ang tanyag na pinuno ng Mactan na nagtatanggol sa isla laban kay Ferdinand Magellan noong 1521.
Lapulapu
Ito ang uri ng klima na mayroon ang Pilipinas dahil malapit ito sa ekwador.
Tropikal
Malawak at patag na lupain na angkop sa pagsasaka.
Kapatagan
Ang hanging ito mula sa hilagang-silangan (Northeast Monsoon) ang nagdadala ng malamig at tuyong hangin mula Nobyembre hanggang Pebrero.
Amihan
Ito ang lihim na samahan na itinatag ni Andres Bonifacio noong 1892 upang labanan ang mga Espanyol sa pamamagitan ng rebolusyon.
KKK
tumutukoy sa mahabang panahon ng kawalan ng pag-ulan.
Tagtuyot
Lupang napapalibutang buo ng katubigan ito ay nakadikit sa mas malaking kalupaan.
Tangway
Ito ang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng ulat-panahon, babala sa bagyo, at nagmomonitor ng klima sa Pilipinas.
PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration)
Siya ang kinikilala bilang "Utak ng Rebolusyon" at ang unang Punong Ministro ng bansa sa kabila ng kanyang kapansanan.
Apolinario Mabini
naranasan ito kapag nagsalpukan ang mainit at malamig na simoy at atmospera habang nagaganap ang isang bagyong-kulog.
Buhawi
Mataas na patag na lupain, kadalasan ay sa ibabaw ng bundok
Talampas
Ito ang tawag sa pandaigdigang pagbabago sa klima na nagdudulot ng mas matitinding bagyo at mas mainit na temperatura sa Pilipinas.
Climate Change
Ito ang kasalukuyang kabisera o "capital city" ng Pilipinas.
Maynila
ito ay uri ng pilipit o paikot na malakas at matagal na pag-ulan.
Bagyo
pangkat ng magkakalapit na isla.
Kapuluan
Siya ang itinuturing na Pambansang Bayani ng Pilipinas na sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Dr. Jose Rizal
Ito ang pinakamaliit na yunit ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas.
Barangay
ay ang labis na singaw na tubig na bumagsak sa daigdig bilang ulan o niyebe mula sa namuong mga ulap.
Presipitasyon
ay mga pisikal na katangian sa ibabaw ng daigdig na resulta ng iba’t ibang likas na puwersa mula sa kalikasan tulad ng hangin, tubig,yelo at paggalaw ng mga lupa.
Anyong lupa