A
s
e
a
n
100

Sa kasalukuyang panahon, mahalagang mapanatili ang paggalang sa karapatang pantao sa bawat bansa. Bakit importante ang pagkakaroon ng AICHR?

A. Upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa 

B. Upang mapanatili ang kapangyarihan ng gobyerno 

C. Upang mapanatili ang dignidad at kalayaan ng mga tao

D. Upang maprotektahan ang mga interes ng mga mayayaman 

C. Upang mapanatili ang dignidad at kalayaan ng mga tao

100

Bilang kabataan, may mahalagang papel ang mga estudyante sa pagtataguyod ng karapatang pantao at kaligtasan ng kapwa. Ano ang maaaring gawin ng isang estudyante upang makatulong sa paglaban sa human trafficking?

A. Huwag pansinin ang mga balita tungkol sa human trafficking

B. Manatiling tahimik kung may nakikitang kahina-hinalang aktibidad

C. Maging bahagi ng sindikato upang malaman kung paano ito gumagana

D. Magsaliksik at magbahagi ng impormasyon tungkol sa human trafficking

D. Magsaliksik at magbahagi ng impormasyon tungkol sa human trafficking

100

 Ang AICHR ay itinatag upang itaguyod at pangalagaan ang karapatang pantao sa rehiyon. Anong epekto ang maaaring maganap kung HINDI magkakaroon ng epektibong pagpapatupad ng AICHR?

A. Pagbawas ng mga oportunidad sa ekonomiya

B. Pagtaas ng tensyon at pagbawas ng seguridad

C. Pagtaas ng mga kaso ng diskriminasyon at karahasan

D. Lahat ng mga nabanggit

D. Lahat ng mga nabanggit

100

Ang paggalang sa karapatang pantao ay mahalagang pundasyon ng isang ligtas at makatarungang pamayanan sa loob ng paaralan. Paano maipatutupad ng paaralan ang isang patakaran na tunay na nagpapahalaga at nagpoprotekta sa karapatang pantao ng bawat mag-aaral?

    A. mababang presyo para sa mag-aaral

    B. pagpapalawig ng anti-bullying campaign

    C. pakikilahok sa mga panahon ng brigada eskwela

    D. pagpapanatili ng kalinisan ng paligid ng paaralan 

 B. pagpapalawig ng anti-bullying campaign

100

Ang pagiging kasapi ng isang bansa sa ASEAN ay nagbubukas ng oportunidad para sa mas malawak na kooperasyon at pag-unlad sa rehiyon. Dahil ikaw ay nasa bansang kabilang sa ASEAN, paano mo mapahahalagahan ang pagiging kasapi ng iyong sariling bansa sa organisasyong ito?

A. bahala na lamang ang ibang bansa na kasapi

B. hindi iimik at hindi makikialam sa mga kaganapang ito

C. hahayaan na ang mga namumuno lamang ang sumusunod dito

D. susunod sa mga patakaran at mga alituntuning ipinapatupad nito

D. susunod sa mga patakaran at mga alituntuning ipinapatupad nito

200

Bilang isang aktibong kasapi ng mga samahang panrehiyon, mahalaga ang papel ng bawat bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Paano nakatutulong ang Pilipinas sa pagpapanatili ng seguridad sa Timog-Silangang Asya bilang kasapi ng ASEAN?

A. Sa pagbibigay ng armas sa mga kalapit-bansa.

B. Sa pagbubukas ng mga pintuan nito para sa migrasyon ng mga manggagawa.

C. Sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga permanenteng base militar sa rehiyon.

D. Sa pakikilahok sa mga diskusyon ng ASEAN Regional Forum (ARF) tungkol sa kapayapaan at seguridad.

D. Sa pakikilahok sa mga diskusyon ng ASEAN Regional Forum (ARF) tungkol sa kapayapaan at seguridad.

200

Ang karapatang pantao ay tumutukoy sa mga pangunahing karapatan at kalayaang likas na tinatamasa ng bawat tao upang mabuhay nang may dignidad, respeto, at pagkakapantay-pantay sa lipunan. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa na nagpapakita ng karapatang pantao?

A. Pagbabawal sa isang bata na makapag-aral dahil sa kahirapan

B. Pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat na makapagpahayag ng saloobin

C. Sapilitang pagpapatrabaho nang walang pahinga

D. Hindi pagbibigay ng serbisyong medikal sa maysakit

D. Hindi pagbibigay ng serbisyong medikal sa maysakit

200

Isa sa mga prinsipyo ng ASEAN ay ang pagtutulungan at mapayapang pagresolba sa mga sigalot sa rehiyon. Kung ang isang bansa sa ASEAN ay may sigalot sa kanyang kapitbahay, para sayo ano ang dapat nitong gawin ayon sa prinsipyo ng ASEAN?

A. Gumamit ng puwersa upang ipagtanggol ang kanyang teritoryo.

B. Humingi ng tulong sa isang makapangyarihang bansa sa labas ng ASEAN.

C. Dumaan sa diplomatikong negosasyon at ASEAN dispute settlement mechanisms.

D. Magdeklara ng digmaan upang ipagtanggol ang soberanya at kalayaan ng bansa.

C. Dumaan sa diplomatikong negosasyon at ASEAN dispute settlement mechanisms.

200

Ang ASEAN Community Vision 2025 ay naglalayong palakasin ang pagkakaisa at kooperasyon ng mga kasaping bansa sa iba’t ibang larangan. Kung ikaw ay isang lider ng isang bansang ASEAN, paano mo maisusulong ang ASEAN Community Vision 2025?

A. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pabrika na gumagamit ng murang paggawa

B. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng digital economy, sustainable development, at pagkakaisa

C. Sa pamamagitan ng pagtuon lamang sa ekonomiya at pagpapabaya sa socio-cultural na aspeto ng ASEAN

D. Sa pamamagitan ng pag-alis sa ASEAN upang mapanatili ang natatanging kultura ng bansa at hindi maimpluwensyahan ng ibang kasapi

B. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng digital economy, sustainable development, at pagkakaisa

200

Sa makabagong panahon, hindi na kayang umunlad ng isang bansa nang hindi nakikipag-ugnayan sa iba.  Bakit mahalaga ang kalakalang panlabas sa isang bansa? 

A. Upang hindi umasa sa ibang bansa sa kalakalan.

B. Upang mapataas ang presyo ng lokal na produkto.

C. Upang mapanatili ang sariling produkto ng isang bansa.

D. Upang mapadali ang paggalaw ng mga produkto at serbisyo.

D. Upang mapadali ang paggalaw ng mga produkto at serbisyo.

300

Ang ASEAN ay may mga patakaran na sinusunod ng mga bansang kasapi nito. Bilang isang mamamayan, paano nakakatulong ang mga patakaran ng ASEAN sa ating komunidad?

    A. Napapanatili ang kaayusan at pagkakaisa.

    B. May batayan na batas sa paggawa ng mali.

    C. Wala itong naitutulong dahil hindi ito ang kailangan ng tao.

    D. Napapanatili at nakakadala ito ng kaguluhan sa lahat ng miyembro nito.

A. Napapanatili ang kaayusan at pagkakaisa.

300

Bilang bahagi ng pagpapatibay ng pangangalaga sa dignidad at kalayaan ng bawat mamamayan sa rehiyon, bumuo ang ASEAN ng isang pahayag na nagsisilbing gabay sa pagsusulong at pagprotekta ng karapatang pantao ng mga kasaping bansa. Ano ang mga pangunahing layunin ng ASEAN Human Rights Declaration?

A. Pagpapalawak ng mga oportunidad sa ekonomiya 

B. Pagpapalakas ng mga relasyon sa labas ng rehiyon

C. Pagtataguyod ng mga karapatang pantao sa rehiyon

D. Pagkakaroon ng isang pinag-isang pamahalaan sa Timog Silangang Asya

C. Pagtataguyod ng mga karapatang pantao sa rehiyon

300

Upang higit na mapalakas ang pagsusulong at pangangalaga ng karapatang pantao sa rehiyon, itinatag ng ASEAN ang ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights bilang opisyal na mekanismo para sa kooperasyon ng mga kasaping bansa. Sa anong taon opisyal na pinagtibay ang pagtatatag ng ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights (AICHR)?

A. 2007            B. 2009            C. 2012            D. 2015

 B. 2009

300

Sa panahon ng Cold War, nakibahagi ang Pilipinas sa mga alyansang panseguridad sa rehiyon. Kailan sumapi ang Pilipinas sa Southeast Asian Treaty Organization (SEATO)?

A. 1954         B. 1963            C. 1967            D. 1971

A. 1954

300

Bilang kabahagi ng ASEAN, bawat kasaping bansa ay may tungkuling magtaguyod ng mga patakaran at programang makikinabang sa mamamayan. Bilang isang mag-aaral, ano ang ng isang patakaran na maaari mong ipatupad kung ikaw ay magiging representante sa ASEAN?

A. patakarang nagpapasaya sa mga tao

B. patakarang naglalayon ng pagkakaisa

C. batas na nagpapaunlad ng ekonomiya

D. patakarang makakatulong sa mga katulad kong mag-aaral

D. patakarang makakatulong sa mga katulad kong mag-aaral

400

Bilang bahagi ng Community Vision 2015 ng ASEAN, binigyang-halaga ang kapakanan ng mamamayan at pagpapaunlad ng lipunan at kultura sa buong rehiyon sa pamamagitan ng mga programang pang-tao at pang-komunidad. Anong papel ang ginagampanan ng ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC) sa ilalim ng ASEAN Community Vision 2015?

A. Pagtataguyod ng malayang kalakalan sa rehiyon

B. Pagpapalakas ng mga relasyon sa labas ng rehiyon

C. Pagpapalawak ng mga karapatang pantao sa rehiyon

D. Pagtataguyod ng pag-unlad ng mga komunidad sa rehiyon

C. Pagpapalawak ng mga karapatang pantao sa rehiyon

400

Sa pagbuo ng mas matibay na pagkakaisa sa rehiyon, mahalagang ginampanan ng bawat kasaping bansa ang kani-kanilang tungkulin. Paano naging mahalaga ang papel ng Pilipinas sa ASEAN Concord? 

A. Naging tagapamagitan sa mga alitan sa ASEAN

B. Naging pangunahing tagapagtaguyod ng kasunduan

C. Tumulong sa pagbabalangkas ng mga polisiya sa rehiyon

D. Pinasimulan ang deklarasyong nagbigay-daan sa kasunduan

D. Pinasimulan ang deklarasyong nagbigay-daan sa kasunduan

400

 Ang ASEAN ay may mga kasunduang nagtataguyod ng karapatang pantao sa mga bansang kasapi. Paano ang ASEAN Human Rights Declaration ay makakatulong sa pagpapalakas ng mga institusyon sa rehiyon na kinabibilangan mo?

A. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga benepisyo sa ekonomiya

B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad sa edukasyon

C. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasanayan sa pagtatrabaho

D. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga karapatang pantao

D. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga karapatang pantao

400

Sa harap ng iba’t ibang banta sa seguridad, mahalagang magkaisa ang mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. Paano ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay maaaring magtaguyod ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon sa gitna ng mga hamon ng terorismo at mga alitan sa mga teritoryo?

A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga relasyon sa labas ng rehiyon.

B. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga karapatang pantao sa rehiyon.

C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang pinag-isang pamahalaan sa Timog Silangang Asya.

D. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga dayalogo at pagtutulungan sa pagharap sa mga hamon.

D. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga dayalogo at pagtutulungan sa pagharap sa mga hamon.

400

Sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng human trafficking sa iba’t ibang panig ng mundo, mahalagang suriin ang mga hakbang na ginagawa ng mga organisasyong panrehiyon. Sa iyong opinyon, epektibo ba ang mga hakbang ng ASEAN sa paglaban sa human trafficking?

A. Oo, dahil bumaba na ang bilang ng kaso ng human trafficking sa ASEAN

B. Hindi, dahil patuloy pa rin ang paglaganap ng human trafficking

C. Oo, dahil may mga kasunduan at programa itong ipinatutupad

D. Depende, dahil may ilang bansang hindi aktibong nakikilahok sa mga programa

D. Depende, dahil may ilang bansang hindi aktibong nakikilahok sa mga programa

500

Ang ASEAN Free Trade Area (AFTA) ay itinatag upang mapadali ang kalakalan at palakasin ang ekonomiya sa rehiyon. Paano ito nakakatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya ng rehiyon?

A. Pag-alis ng taripa upang mapadali ang kalakalan sa ASEAN.

B. Pagtatatag ng alyansang militar sa pagitan ng mga bansang kasapi.

C. Pagpapalakas ng pandaigdigang merkado ng mga bansang ASEAN sa pamamagitan ng pagsasara ng pamilihan sa ibang bansa.

D. Pagtatakda ng mahigpit na regulasyon sa mga produktong inaangkat mula sa ibang rehiyon upang maprotektahan ang sariling industriya.

A. Pag-alis ng taripa upang mapadali ang kalakalan sa ASEAN.

500

Sa panahon ng patuloy na pagbabago sa ekonomiya at lipunan, mahalagang magtulungan ang mga bansa upang matugunan ang suliranin ng kahirapan at kawalan ng trabaho. Paano ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay maaaring magtaguyod ng pag-unlad ng mga komunidad sa rehiyon sa gitna ng mga hamon ng kahirapan at kawalan ng trabaho?

A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga relasyon sa labas ng rehiyon.

B. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga karapatang pantao sa rehiyon.

C. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga proyekto sa pag-unlad ng mga komunidad.

D. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang pinag-isang pamahalaan sa Timog Silangang Asya.

C. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga proyekto sa pag-unlad ng mga komunidad.

500

Ang pagiging kasapi sa mga organisasyon tulad ng ASEAN ay nagbibigay ng pagkakataon sa bansa na makipagtulungan sa iba pang bansa para sa kapayapaan, kaunlaran, at seguridad. Bakit mahalagang mapabilang ang ating bansa sa mga organisasyon tulad ng ASEAN?

A. Upang makabuo ng isang matatag na gobyerno para sa rehiyon.

B. Upang mapalakas ang relasyon ng Timog-Silangang Asya sa Kanlurang Asya.

C. Upang magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

D. Lahat ng nabanggit ay tama.

C. Upang magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

500

Ang bawat mamamayan ay may pananagutan sa paggalang at pagtataguyod ng karapatang pantao. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang maging mamamayang nakakatulong sa pagsulong ng karapatang pantao?

    1. Hayaan ang iba na magsasaliksik dahil responsibilidad nila ito.

    2. Lumahok sa mga programang nagbibigay kaalaman tungkol dito.

    3. Wag makialam sa buhay ng kapwa dahil problema naman nila ito.

    4. Ibahagi sa iba ang nalalaman tungkol sa mga karapatan ng isang tao.

    A. 1 at 2         B. 3 at 4        C. 2 at 4        D. 1,2 at 3

 C. 2 at 4

500

Sa panahon ng globalisasyon, mahalaga ang matatag na ugnayan ng mga rehiyonal na samahan upang mapalakas ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan. Bakit mahalaga ang papel ng Pilipinas sa ugnayan ng ASEAN at European Union? 

A. Dahil ito ang pinakamaunlad na ekonomiya sa ASEAN.

B. Dahil ito ang nagpanukala ng ASEAN-EU Cooperation Agreement.

C. Dahil ito ang nagsilbing pangunahing tagapamagitan sa ASEAN-EU relations.

D. Dahil ito ang may pinakamalakas na ugnayan sa EU kumpara sa ibang bansang ASEAN.

C. Dahil ito ang nagsilbing pangunahing tagapamagitan sa ASEAN-EU relations.

M
e
n
u