Parirala at Pangungusap
Uri ng Pangungusap
Mga Bantas
100

Alin sa dalawa ang parirala?


A. Matamis na sorbetes

B. Matamis ang sorbetes.

A. Matamis na sorbetes

100

Itama ang pangungusap na ito;


naku naubos na ang aking baon

Naku! Naubos na ang aking baon.

100

Kumpletuhin ang mga salitang ito;


mamaya maya

mamaya-maya

200

Pagdugtungin ang dalawang parirala upang makabuo ng isang buong pangungusap. Gumamit ng tamang kapitalisasyon at bantas. 

ang mga bata

masayang naglalaro

Ang mga bata ay masayang naglalaro.

200

Itama ang pangungusap na ito;


sino ang ating magiging bagong guro

Sino ang ating magiging bagong guro?

200

Anong bantas ang maaari nating gamitin upang magpakilala ng pamagat ng isang kwento?

Panipi ("")

300

Saan nagtatapos ang mga pangungusap? Ito ay hindi makikita sa mga parirala.

Mga Bantas

300

Anong tawag sa uri ng pangungusap na nagbibigay lamang ng impormasyon?

Pasalaysay

300

Aling bantas ang nawawala sa pangungusap na ito?


Wow! Ang sarap naman ng keyk na ito, wika ni Pio.

Panipi ("")


- "Wow! Ang sarap naman ng keyk na ito", wika ni Pio.

400

Ang mga parirala ay maaaring magumpisa sa ___________ ngunit hindi nagtatapos sa isang tuldok.

Malaking Letra

400

Kailan ginagamit ang mga pangungusap na padamdam?

Sa pagpapakita ng matinding emosyon.

400

Itama ang pangungusap na ito;


gabi gabi ay nag pupuyat si Lily sa pag-aaral

Gabi-gabi ay nag-pupuyat si Lily sa pag-aaral.

500

Gumawa ng pangungusap ayon sa imahe na ipapakita ng guro.

Ang mga estudyante ay nag-aaral.

500

Anu-anong mga uri ng pangungusap ang ginagamitan ng pare-parehong bantas sa dulo ng mga ito?

Pasalaysay

Pautos

Pakiusap

500

Itama ang pangungusap na ito;


sino ba ang magdarasal para sa araw na ito, si Amy Liam Kyle o Josh

Sino ba ang magdarasal para sa araw na ito, si Amy, Liam, Kyle, o Josh?

M
e
n
u