TAMA O MALI
Lahat ng buod ay matatawag na abstrak
MALI
Hindi lahat ng buod ay abstrak
Alin nito ang HINDI kasali sa mga uri ng Abstrak?
a) Highlight
b) Naratibo
c) Impormatibo
d) Kritikal
b) Naratibo
Alin nito ang HINDI bahagi ng abstrak?
a) Pamagat
b) Kaugnay na Literatura
c) Metodolohiya
b) Kaugnay na Literatura
Ano ang paksang tinalakay ngayon?
Abstrak
TAMA O MALI
Gumagamit ang abstrak ng pormal na wika at pansariling estilo
MALI
Gumagamit ang abstrak ng pormal na wika at obhetibong estilo
Uri ng abstrak na nagbibigay ng detalyadong pagsusuri bukod sa pagbubuod ng papel
a) Impormatibo
b) Naratibo
c) Kritikal
c) Kritikal
Ito ang panapos na pahayag sa isang abstrak
a. Pamagat
b. Kongklusyon
c. Resulta
b. Kongklusyon
Kailan ba isinulat ang abstrak? Sa simula, gitna, o huling bahagi ng paggawa ng pananaliksik?
Sa huli
Uri ng abstrak na ginagamit sa larangang akademiko?
a) Impormatibo
b) Kritikal
c) Highlight
a) Impormatibo
Ito ay bahagi ng abstrak na nagpapakita sa plano o sistema kung paano isinasagawa ang pananaliksik.
Metodolohiya
Maaari bang gumamit ng jargon o mga salitang ginagamit ng isang partikular na grupo o propesyon sa isang abstrak? Bakit?
Hindi, dahil dapat maunawaan ng pangkalahatang audience ang abstrak
Uri ng abstrak na pampapukaw-interes lamang?
a) Deskriptibo
b) Highlight
c) Naratibo
b) Highlight
Ano kaya ang dapat gawin sa simula ng paggawa ng abstrak?
a. Piliin ang mahalagang resulta
b. Ibigay ang kongklusyon o rekomendasyon
c. Unawain ang buong pananaliksik
c. Unawain ang buong pananaliksik
Ano ang layunin ng isang abstrak?
Ibuod at ipakita sa mambabasa ang pinakamahalagang impormasyon mula sa pananaliksik.
Kailangan bang lumagpas ng isang pahina ang abstrak? Bakit?
Hindi, dahil ang pangunahing layunin ng paggawa ng abstrak ay para makapagbigay ng siksik/maikli at malinaw na buod. Karaniwan, ito rin ay may limitasyon sa bilang ng salita.
Maaari kayang mauna ang kongklusyon sa halip na rationale sa pagsulat ng abstrak? Bakit?
Hindi, dahil ang isang maayos na abstrak ay may lohikal na organisasyon. Nauuna ang rationale dahil narito ang dahilan bakit ginagawa ang pananaliksik, at nasa huli naman ang kongklusyon dahil nagsisilbi ito bilang panapos na pahayag.
Sino ang sumulat ng Florante at Laura?
Francisco Balagtas