Orihinal na kilala bilang Bagumbayan noong panahon ng kolonyal na Espanyol. Ito ay katabi ng makasaysayang napapaderan na lungsod ng Intramuros.
Rizal Park
Sino ang pinaka maliit na naging presidente ng Pilipinas?
Gloria Arroyo
Kilala bilang “Tandang Sora”, dahil sa kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan" at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon.
Melchora Aquino
Bilis, liksi, at galing sa pagtaya ng kalaban ang pangunahing dapat na isinasaalang alang ng bawat manlalaro. Ang basehan ng pagkapanalo sa larong ito ay ang bilang ng mga manlalarong nakalampas sa bawat guhit nang hindi natataya ng kalaban.
Patintero
Ang kinikilalang pambansang wika ng Pilipinas.
Filipino
Sagisag at simbolo ng kasaysayan ng Pilipinas at apat na siglong Pananampalataya na matatagpuan sa Malolos, Bulacan.
Barasoain Church
Sino sa mga naging presidente ang anak sa labas?
Sergio Osmeña
Ano ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal?
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Kailan unang nilaro ang basketball sa Pilipinas?
1905
Ito ay pambansang sayaw ng Pilipinas at isang tradisyunal na sayaw na nagmula sa isla ng Leyte sa Kabisayaan.
Tinikling
Ang bantayog na ito ang sumisimbolo ng pagwawakas ng ikalawang digmaang pandaigdig. Matatagpuan sa tuktok ng Bundok Samat.
Dambana ng Kagitingan
Nag-iisang opisyal ng Militar ng Pilipinas na nakahawak lahat ng rango mula pangalawang tenyente hanggang punong kumander.
Fidel V. Ramos
Tagapagturo at tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines sa panahon ng pananakop ng mga Hapon.
Josefa Llanes Escoda
Nilagdaan ni Pres. Gloria Arroyo ayon sa R.A. 9850 para ideklarang Pambansang Laro at Pananadata noong Disyembre 11, 2009.
Arnis
Konsepto ng Pilipino tumulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit.
Bayanihan
Ang pangalan, mula sa salitang Espanyol na nangangahulugang "sa loob ng mga pader," ay tumutukoy sa nakukutaang lungsod na itinatag sa bukana ng Ilog Pasig.
Intramuros
Pinakabatang namatay na presidente sa edad na 49.
Ramon Magsaysay
Inihandog ni Jose Rizal ang kaniyang nobelang “El Filibusterismo” para magsilbing alaala sa tatlong paring ito. Sila ay binitay sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abugado noong Pebrero 17, 1872 ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (GomBurZa)
Sa larong ito, ang isang manlalaro ay yuyuko ng bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kanyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito.
Luksong Baka
Mga bagay na karaniwang ginagawa ng isang tao habang nakahiga o nakaupo at malalim ang iniisip. Kadalasan ang tawag dito ay imahinasyon.
Balintataw
Nagkaroon ng mahalagang papel sa panahon ng pagsalakay at pagpapalaya ng Pilipinas mula sa Imperial Japanese Army.
Corregidor Island
Sino ang dating presidente na nakapatay ng labing walong talampakan na buwaya?
Emilio Aguinaldo
Isang Boholano na naging tanyag sa pamumuno sa pinakamahabang rebolusyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang naturang rebelyon ay laban sa Spanish colonial government sa Bohol mula 1744 hanggang 1829 o tumagal ng 85 taon.
Francisco Dagohoy
Saang lugar sa pilipinas pinaka kilala ang larong patintero?
Bulacan
Nagmula sa salitang isip+hanayan. Eto ang katumbas na salitang tagalog para sa salitang "Mathematics.
Sipnayan