Sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Ano ang nagpakita kay Jose sa kaniyang panaginip?
Isang anghel ng Panginoon.
Sino ang mag-aasawa?
Si Maria at Jose./Si Mary at Joseph.
Ano ang napagpasiyahang gawin ni Jose nang malaman niyang si Maria ay nagdadalang-tao?
Hiwalayan ito ng lihim.
Ano pa ang isang pangalan na maitatawag kay Hesus?
Immanuel / Emmanuel
Saan ipinanganak si Hesus?
Sa Bethlehem.
Ano ang sinabi ng anghel ng Panginoon kay Jose sa kaniyang panaginip?
"Huwag kang mangamba na pakasalan si Maria." / "Huwag mangamba!"
Ano ang ipapangalan sa magiging anak ni Maria?
Jesus/Hesus
Ano ang ibig sabihin ng pangalang Hesus batay sa kwento?
Ililigtas Niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
Ano ang ibig sabihin ng "Immanuel" o "Emmanuel"?
"Kasama natin ang Diyos."
"Ang Diyos ay sumasaatin."
"God with us."
Ano ang isang utos na ipinatupad ni Augusto Cesar?
Ang lahat ay magpatala sa kaniyang sairling bayan!
Sino ang naghahari o hari sa panahon na ipinanganak si Hesus?
Si Haring Herodes o King Herod.
Saang angkan mula si Jose?
Sa angkan ni David.
Sino ang kasama ni Jose na umuwi sa Bethlehem upang magpatala/magpalista?
Si Maria na kaniyang asawa.
Habang si Jose at Maria ay nasa Bethlehem, ano ang nangyari?
Sumapit ang kapanganakan ni Maria.
Noong isinilang ang baby na si Hesus, ano ang ipinangbalot sa kaniya? Saan siya ihiniga? Bakit?
Ibinalot sa lampin at inihiga sa sabsaban. Sapagkat wala nang matutuluyan.
May mga taong nagbabantay kanilang mga tupa nang gabing ipinanganak si Hesus. Sino ang mga ito?
Mga pastol.
Ano ang tumayo sa harapan ng mga pastol? At ano ang sinabi nito sa kanila?
Isang anghel ng Panginoon.
“Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. "
Sino ang isinilang sa bayan ni David? At ano siya?
Si Kristo Hesus, isang Tagapagligtas.
Ano ang palatandaan na ibinigay ng anghel para sa mga pastol?
Matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.
Ano ang biglang lumitaw kasama ng isang anghel? Ano ang kanilang ginawa?
Ang hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri at umaawit.
Ano ang ginawa ng mga pastol pagkatapos malaman na isinilang na ang Tagapagligtas?
Sila ay agad-agad na nagtungo sa Bethlehem.
Nang maisalaysay o masabi ng mga pastol ang mensahe mula sa anghel ng Panginoon, ano ang naging reaksyon ng mga taong nakarinig nito?
Namangha ang lahat ng nakarinig nito.
Ano ang ginawa ng mga pastol nang sila ay umalis na sa Bethlehem?
Umalis silang nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kaniyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi ng anghel.
Ano ang pamagat o title ng ating inaaral?
Ang Kapanganakan ni Hesus.