Ilang araw bago umakyat si Hesus sa langit pagkatapos ng Muling Pagkabuhay?
40 araw
Sino lamang ang nakakaalam ng araw at oras ng pagbabalik ni Kristo?
Ang Diyos Ama lamang (Marcos 13:32-33)
Ano ang nangyari sa Pentekostes?
Napuspos ng Espiritu Santo ang mga Apostoles at nagsimula silang magsalita ng iba't ibang wika
Ano ang apat na katangian ng totoong Simbahan?
Iisa, Banal, Katolika, Apostolika
Ano ang dalawang Sakramento ng kapatawaran?
Binyag at Kumpisal
Saan naganap ang pag-akyat ni Hesus sa langit?
Sa may Betania
Ano ang Pantanging Paghuhukom at kailan ito nangyayari?
Iniraraos kaagad matapos ang kamatayan — mapupunta sa Paraiso, Purgatoryo, o Impyerno
Ano ang kahulugan ng sagisag na LANGIS?
Nangangahulugan ng ating pagtatalaga kay Kristo
Bakit tinatawag ding Romano ang Simbahang Katolika?
Dahil si San Pedro ay pinatay at inilibing sa Roma
TRY ME
BONUS
Ano ang ibig sabihin ng "nakaupo sa kanan ng Ama"?
Kapangyarihang maisakatuparan ang lahat ng Kanyang mga utos
Ano ang mangyayari sa mundo at Purgatoryo sa muling pagdating ni Hesus?
Mawawala ang mundo at Purgatoryo — matitira lamang ang Paraiso at Impyerno
Ano ang kaibahan ng Karunungan at Kaalaman?
Karunungan: magmahal ng espirituwal higit sa materyal. Kaalaman: pahalagahan ang nilikha sa kaugnayan sa Diyos
Ano ang tatlong kondisyon upang mapabilang sa Simbahang Katolika?
Manalig kay Kristo, mabinyagan, makiisa sa Santo Papa
TRY ME
BONUS
Ano ang sinabi ng dalawang Anghel sa mga Apostoles pagkatapos maakyat si Hesus?
Si Hesus ay babalik din kung paano Niya sila iniwan
Ano ang pagkakaiba ng "nangabuhay" at "nangamatay" sa Artikulo 7?
Nangabuhay = may buhay pa sa pagdating ni Hesus; Nangamatay = yumao na bago ang Huling Paghuhukom
Ano ang kaloob na Fortitude o Lakas?
Kakayahan na maging matatag sa pagtupad sa kagustuhan ng Diyos sa mga sandali ng pagsubok
Ano ang tatlong kasalanan laban sa kaisahan ng Simbahan?
Hidwang paniniwala, pagtatakwil, pagkakapangkat-pangkat
Bakit hindi tuwiran sa Diyos ang pagkukumpisal?
Ipinagkatiwala ni Hesus sa Apostoles ang kapangyarihang magpatawad
Ano ang misyon na ibinigay ni Hesus sa mga Apostoles bago umakyat?
Gawing alagad ang lahat ng bansa; binyagan sa ngalan ng Ama, Anak, Espiritu Santo; turuan na sumunod sa lahat ng utos
Ano ang aral ng kwento ng batang lalaki at matandang Pari tungkol sa pinakamainam na araw?
Ang pinakamainam na araw ay ang araw bago ka mamatay — kaya magbalik-loob tayo araw-araw
Ilang kaloob ang ibinibigay ng Espiritu Santo at alin ang tatlong may kaugnayan sa pag-iisip?
7 kaloob; Karunungan, Pang-unawa, Payo
Ano ang apat na sagisag ng Simbahan bilang pamayanan?
Bayan ng Diyos, Katawan ni Kristo, Esposa ni Kristo, Kawan ni Kristo
Juan 20:21-23 — ano ang sinabi ni Hesus?
Ipinagkatiwala sa apostoles ang kapangyarihang magpatawad ng kasalanan sa pamamagitan ng Espiritu Santo