Kuwento tungkol sa mga diyos, diyosa, at mga nilalang na may kapangyarihang supernatural na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng daigdig at ng tao.
Mito
Ang Leon at ang Daga.
Pabula
Mga taong gumaganap sa kuwento — maaaring pangunahing tauhan (protagonista), katunggali (antagonista), at iba pa
Tauhan
Ano ang lugar (lungsod, baryo, bahay, eskuwelahan, kagubatan, atbp.)? Anong panahon (oras, panahon, kasaysayan)? Paano nakatulong ang tagpuan sa mood o tema?
Tagpuan
isang akdang pampanitikan na itinatanghal sa entablado; binubuo ng mga yugto at tagpo.
Dula
Noli Me Tangere
Nobela
Panimula ng kuwento — pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at kalagayan
Simula
Anong pangyayari ang kumilos bilang “trigger” o panimula ng komplikasyon?
Saglit na Kasiglahan
Kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Kadalasan, ito ay may halong kababalaghan o pantasya.
Alamat
Ang Alibughang Anak.
Parabula
Problema o labanan na hinaharap ng tauhan
Tunggalian
Ano ang suliranin (panlabas o panloob)? Sino o ano ang kalaban? Paano lumilitaw ang mga hadlang?
Tunggalian
isang akdang naglalahad ng kuro-kuro, pananaw, o damdamin ng may-akda tungkol sa isang paksa.
Sanaysay
Ang Dapat Mabatid ng mga Pilipino ni Andres Bonifacio.
Sanaysay
Pinakamataas na tensyon o punto ng hindi inaasahang pagbabago
Kasukdulan
Ano ang kalagayan ng tauhan sa katapusan? Naresolba ba ang tunggalian o nananatili itong bukas? Ano ang mensahe o aral?
Wakas
Isang maikling salaysay ng isang kawili-wili o kapupulutang-aral na karanasan sa buhay ng isang tao.
Anekdota
Walang Sugat ni Severino Reyes.
Dula
Mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan na nagsisimulang maglagay ng direksyon patungo sa wakas
Kakalasan
Paano naresolba o nabago ang sitwasyon? Anong epekto nito sa tauhan?
Kakalasan