Pagdating ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas 1
Pagdating ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas 2
Pagdating ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas 3
Mga Paraan ng Pananakop ng mga Espanyol
Patronato Real
100

Anu-anong mga bansa ang kabilang sa nangunguna at nagpapaligsahan sa pagsako ng iba’t ibang lupain noong ika-16 daang taon?

A. Pilipinas at Tsina

B. Portugal at Espanya

C. Hapon at America

D. India at Pransya

B. Portugal at Espanya

100

Aling lugar ang idineklara ni Miguel Lopez de Legazpi bilang kabisera o kapitolyo ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas? 

 A. Cebu     B. Maynila     C. Negros     D. Pampanga 

B. Maynila

100

Sino ang tinaguriang kauna-unahang bayaning Pilipino?

A. Jose Rizal

B. Humabon

C. Magellan

D. Lapu-Lapu

D. Lapu-Lapu

100

Aling paraan ng pananakop ang tinutukoy?

Magtatrabaho nang sapilitan ang mga lalaking nasa tamang edad upang gumawa ng mga tulay, kalsada at simbahan. 


A. Kristiyanisasyon

B. Reducciones

C. Polo y Servicios

D. Buwis o Tributo

C. Polo y Servicios

100

Ito ang pagkakaisa ng simbahan at pamahalaan upang mapalaganap ang Kristiyanismo sa kolonya.

A.    Patronato Real

B.    Kristiyanisasyon

C.    Gold, God, Glory

D.    Kasunduan ng Tordesillas


A.    Patronato Real

200

Saan unang nakarating ang pangkat nina Magellan?

A. Cebu

B. Limasawa

C. Homonhon

D. Maynila

C. Homonhon

200

Ano ang ibig sabihin ng Kasunduang Tordesillas?

A. Pag-urong sa kasunduan ng hatian ng 2 bansa dahil sa limitado ang sakop ng Espanya sa Asya.

B. Pagbenta ng Isla ng Moluccas sa Portugal.

C. Kasunduan ng paghahanap ng mga pampalasa sa Asya.

D. Pagpapatigil ng pagtukas sa mga lupain.

A. Pag-urong sa kasunduan ng hatian ng 2 bansa dahil sa limitado ang sakop ng Espanya sa Asya.

200

Alin ang HINDI pangunahing layunin ng mga Espanyol sa kanilang pananakop ng mga bagong tuklas na teritoryo?

A. God

B. Gun

C. Gold

D. Glory

B. Gun

200

Aling paraan ng pananakop ang tinutukoy?

Upang madaling mapamahalaan ang kolonisasyon, pinagsama-sama ang mga katutubong Pilipino sa isang lugar. 

A. Kristiyanisasyon

B. Reducciones

C. Encomienda

D. Polo y Servicio

B. Reducciones

200

Buuin ang analohiya:

Dayoses : _______________

Parokya : Padre Kura

A. Prayle

B. Obispo

C. Sakrsitan

D. Santo Papa

B. Obispo

300

Anong mahalagang pangyayari ang naganap sa Limasawa?

A. Pakikipagkasundo sa mga Pilipino

B. Pagbibinyag kay Humabon at kanyang asawa

C. Pagdadaos ng unang misa

D. Pakikidigma ng mga Espanyol

C. Pagdadaos ng unang misa

300

Kailan naging ganap na kolonya ng Espanya ang ating kapuluan? 

A. Nang makipagsanduguan si Ferdinand Magellan 

B. Nang makabalik ang barkong Victoria sa Espanya 

C. Nang dumating si Miguel Lopez de Legazpi 

D. Nang napangalanan ni Ruy Lopez de Villalobos ang ating kapuluan. 

C. Nang dumating si Miguel Lopez de Legazpi

300

Ano ang tumutukoy sa pananakop at pag-angkin ng mga lupang matutuklasan?

A. Kolonya

B. Kolonyalismo

C. Digmaan

D. Ebanghelisasyon

B. Kolonyalismo

300

Buuin ang analohiya:

Encomienda – Tributo : 

Kristiyanisasyon - ____________

A. Sapilitang paggawa

B. Polo y servicio

C. Reducciones

D. Buwis

C. Reducciones

300

Tukuyin kung TAMA o MALI ang pangungusap. 

Dahil sa kakulangan ng opisyal na Espanyol, napunta sa ibang Pilipino ang pagpapatakbo ng pamahalaan.

A. TAMA

B. MALI – prayle

B. MALI – prayle

400

Paano ipinakita ni Magellan ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga pinuno ng mga katutubong Pilipino?

A. Siya ay nakipaglaban

B. Siya ay nakipagsanduguan

C. Nagpakain siya sa mga katutubo

D. Pinadala niya ang mga Pilipino sa Espanya

B. Siya ay nakipagsanduguan

400

Ano ang ginawa ng grupo ni Raha Tupas sa kanilang pakikipaglaban sa mga Espanyol? 

A. Binigyan nila ng mga pagkain ang mga Espanyol tulad ng isda, niyog at saging. 

B. Nakisali sila sa mga Espanyol sa pakikipaglaban sa kapwa Pilipino. 

C. Pinuwersa nila ang Espanyol na manirahan sa mga kabundukan. 

D. Sinunog ng mga katutubo ang kanilang mga bahay upang hindi mapakinabangan o magamit. 

 

 

D. Sinunog ng mga katutubo ang kanilang mga bahay upang hindi mapakinabangan o magamit. 

 

400

Sino ang hari ng Espanya na nagpadala kay Miguel Lopez de Legazpi para sa ekspedisyon sa Silangan? 

 A. Haring Manuel 

B. Haring Carlos 

C. Haring Felipe 

D. Haring Alejandro

C. Haring Felipe

400

Bakit ginamit ng mga Espanyol ang paraang ”divide and conquer” upang mas maraming masakop na lugar sa bansa?

A. dahil malaki ang populasyon sa Pilipinas

B. dahil maraming kawal ang mga Espanyol

C. dahil walang pagkakaisa ang mga Pilipino

D. dahil iba-iba ang kalupaan at katubigan sa Pilipinas


C. dahil walang pagkakaisa ang mga Pilipino

400

Ang lahat ay ginawa ng mga Espanyol upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa kolonya maliban sa isa, alin ito?

A. Ipinakilala ang mga gawaing pang-Katoliko tulad ng pagsisimba tuwing Linggo

B. Binigyan ang mga Pilipino ng kalayaang pumili ng gusto nilang relihiyon

C. Nagpatayo ng malalaking simbahan

D. Hinati ang bansa sa mga dayoses

B. Binigyan ang mga Pilipino ng kalayaang pumili ng gusto nilang relihiyon

500

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari: (titik lamang ang isagot)

A. Nakabalik ang barkong Victoria sa Espanya matapos ang mahigit na 3 taong paglalakbay.

B. Napadpad sa pulo ng Homonhon sa bukana ng Leyte sina Magellan upang magpahinga at mangalap ng mga pagkain. 

C. Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan at nakipagdigmaan sa mga katutubong  Pilipino. 


B, C, A

500

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari: (titik lamang ang isagot)

A. Mula sa Panay, inutusan ni Legazpi si Martin de Goiti upang pumunta sa Luzon at alamin ang mayamang kaharian na Maynila.  

B. Nagtatag si Legazpi ng isang pamayanang Espanyol sa Cebu.  

C. Nagpadalang muli ng ekspedisyon ang hari ng Espanya sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi.  

D. Matapos magsilbing pinakaunang Gobernador-Heneral, namatay si Legazpi at inilibing sa simbahan ng San Agustin sa Intramuros.  

 

C, B, A, D

500

Ibigay ang pangalan ng 5 barkong kasama sa ekspedisyon ni Ferdinand Magellan patungong Silangan

Concepcion

San Antonio

Santiago

Trinidad

Victoria

500

Ibigay ang tamang pamagat sa mga sumusunod na salita sa ibaba:

                         Kasal

                         Binyag

                        Orasyon

A. Reduccion

B. Encomienda

C. Kristiyanisasyon

D. Sapilitang Paggawa

C. Kristiyanisasyon

500

Alin ang HINDI paglalarawan ng tungkulin ng prayle para sa pamahalaan?

A. Sila ay naging pinuno ng iba’t ibang lugar

B. Sila ay naging makapangyarihan sa kolonya

C. Namamahala ng eleksyon para sa gobernadorcillo at cabeza de barangay

D. Nagbinyag sa mga katutubong Pilipino upang maging kasapi ng simbahang Katoliko

A. Sila ay naging pinuno ng iba’t ibang lugar

M
e
n
u