Suez Canal
Propaganda
Himagsikan
Unang Republika
Amerikano
100

Aling Gobernador-Heneral ang kilala sa pagsusulong ng liberalismo?
A. Rafael Izquierdo  
B. Carlos Maria de la Torre  
C. Diego Silang
D. Jose Basco

B. Carlos Maria de la Torre  

100

Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tinaguriang Gomburza?
A. Mariano Gomez
B. Jose Burgos
C. Jacinto Zamora
D. Richard Gomez


D. Richard Gomez

100

Ano ang simbolo ng tuluyang pagkalas ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng Espanya noong Sigaw sa Pugad Lawin?
A. Pagpunit ng cedula
B. Pagwagayway ng watawat
C. Pag-awit ng Lupang Hinirang
D. Pagpapasa ng Saligang Batas

A. Pagpunit ng cedula

100

Sino ang pinuno ng rebolusyon matapos ang Tejeros Convention?
A. Andres Bonifacio
B. Emilio Aguinaldo
C. Antonio Luna
D. Gregorio del Pilar

B. Emilio Aguinaldo

100

Sino ang bayani ng Labanan sa Tirad Pass?
A. Miguel Malvar
B. Gregorio del Pilar
C. Antonio Luna
D. Andres Bonifacio

B. Gregorio del Pilar

200

Ilang taon sinakop ng Espanya ang Pilipinas?
A. 300  B. 321  C. 333  D. 350

C. 333  

200
Nagwagi ba ang mga propagandista sa kanilang isinusulong na reporma?

A. Oo, dahil malaya na tayo ngayon
B. Oo, dahil lumaban ang mga Pilipino
C. Hindi, dahil nasakop ng Amerikano
D. Hindi, dahil hindi sila pinakinggan ng Espanya

D. Hindi, dahil hindi sila pinakinggan ng Espanya

200

Ano ang pangunahing ambag ni Melchora Aquino sa rebolusyon?
A. Sumulat ng Saligang Batas
B. Doktor ng katipunan
C. Pinamunuan ang labanan sa Tirad Pass
D. Nagbigay ng pagkain, gamot, at kanlungan

D. Nagbigay ng pagkain, gamot, at kanlungan

200

Saan idineklara ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898?
A. Barasoain Church, Malolos
B. Kawit, Cavite
C. Pugad Lawin, Quezon City
D. Tirad Pass, Ilocos Sur

B. Kawit, Cavite

200

Sino ang tinaguriang “Utak ng Rebolusyon”?
A. Apolinario Mabini
B. Emilio Aguinaldo
C. Andres Bonifacio
D. Antonio Luna

A. Apolinario Mabini

300

Ano ang tawag sa pagmamahal at pagtataguyod sa sariling bayan?
A. Kolonyalismo  
B. Liberalismo  
C. Nasyonalismo  
D. Kapitalismo

C. Nasyonalismo  

300

Paano nakatulong ang pahayagang “La Solidaridad” sa damdaming makabayan ng mga Pilipino?
A. Naglabas ng mga panawagan para sa armadong rebolusyon
B. Naging plataporma para ipahayag ang hinaing at mungkahi para sa reporma
C. Nagturo ng mga kasanayan sa paggawa ng armas
D. Nagsilbing opisyal na pahayagan ng pamahalaang rebolusyonaryo

B. Naging plataporma para ipahayag ang hinaing at mungkahi para sa reporma

300

Sino ang naging inspirasyon ng rebolusyon at simula ng nasyonalismo?
A. Jose Rizal at Andres Bonifacio
B. Apolinario Mabini at Emilio Aguinaldo
C. Antonio Luna at Gregorio del Pilar
D. Miguel Malvar at Melchora Aquino

A. Jose Rizal at Andres Bonifacio

300

Ano ang ginawa ni Aguinaldo matapos ang Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Nagpunta sa Hong Kong
B. Nagtago sa Cavite
C. Lumaban sa Tirad Pass
D. Nagsimula ng Katipunan

A. Nagpunta sa Hong Kong

300

Ano ang naging reaksyon ng mga Amerikano sa Balangiga Massacre?
A. Pagpapatawad sa mga Pilipino at pagpapalaya
B. Pag-alis sa Samar
C. Marahas na pagganti at pagpatay sa mga sibilyan
D. Pagpirma ng panibagong kasunduan

C. Marahas na pagganti at pagpatay sa mga sibilyan

400

Si Rizal ba ay kabilang sa ilustrado?
A. Hindi, isa siyang magsasaka    
B. Oo, dahil may kaya at nakapag-aral sa ibang bansa C. Hindi, dahil lumaban siya sa mga espanyol
D. Oo, dahil lumaban siya sa mga espanyol

B. Oo, dahil may kaya at nakapag-aral sa ibang bansa

400

Ano ang naging pangunahing epekto ng Cavite Mutiny noong 1872?
A. Pagbitay sa Gomburza
B. Pagkakatatag ng Katipunan
C. Pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano
D. Pagpirma sa Kasunduan sa Biak-na-Bato

A. Pagbitay sa Gomburza

400

Ano ang layunin ng Tejeros Convention?
A. Magpatalsik ng mga Kastila sa Cavite
B. Magtatag ng rebolusyonaryong pamahalaan
C. Magplano ng paglusob sa Intramuros
D. Magbuo ng Saligang Batas ng Malolos

B. Magtatag ng rebolusyonaryong pamahalaan

400

Ano ang pangunahing bunga ng Kongreso ng Malolos?
A. Unang watawat ng Pilipinas
B. Kasunduang Bates
C. Deklarasyon ng Kalayaan
D. Konstitusyon ng Malolos

D. Konstitusyon ng Malolos

400

Ano ang simbolo ng kabayanihan ng kabataan sa rebolusyon?
A. Sigaw sa Pugad Lawin
B. Labanan sa Tirad Pass
C. Deklarasyon ng Kalayaan
D. Kasunduan sa Biak-na-Bato

B. Labanan sa Tirad Pass

500

Ano ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal? A. Lalong nabaon sa utang ang mga Pilipino  
B. Lalong lumakas ang katolisismo  
C. Naging madali ang pagpasok ng mga bagong ideya
D. Nakapag-aral ang mga espanyol sa Pilipinas

C. Naging madali ang pagpasok ng mga bagong ideya

500

Ano ang pangunahing layunin ng Katipunan nang ito’y itinatag ni Andres Bonifacio?
A. Magpatalsik ng mga Kastila sa pamamagitan ng armadong rebolusyon
B. Humingi ng reporma sa pamahalaang Kastila at magkaroon ng pagkakapantay-pantay
C. Magpatupad ng sekularisasyon
D. Magtatag ng unibersidad para sa mga Pilipino


A. Magpatalsik ng mga Kastila sa pamamagitan ng armadong rebolusyon

500

Ano ang ginamit ng Katipunan upang mapanatili ang lihim ng samahan?
A. Lihim na wika at alyas at sagisag
B. Mga watawat ng iba’t ibang bansa
C. Mga pahayagang Kastila
D. Lihim na pondo mula sa Amerika

A. Lihim na wika at alyas at sagisag

500

Saan nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899?
A. Balangiga, Samar
B. Silencio at Sociego, Sta. Mesa
C. Tirad Pass, Ilocos Sur
D. Kawit, Cavite

B. Silencio at Sociego, Sta. Mesa

500

Anong kasunduan ang nagbenta ng Pilipinas sa Amerika sa halagang $20 milyon?
A. Kasunduan sa Biak-na-Bato
B. Kasunduan sa Paris
C. Kasunduang Bates
D. Kasunduan sa Malolos

B. Kasunduan sa Paris

M
e
n
u