Anong uri ng klima ang umiiral sa buong Timog-Silangang Asya?
A. Subtropikal na klima
B. Disyertong klima
C. Tropikal na klima
D. Malamig na klima
C. Tropikal na klima
Saan matatagpuan ang pangkat etnikong Khmer? A. Thailand B. Cambodia C. Vietnam D. Malaysia
B. Cambodia
Ayon sa Mainland Origin Hypothesis, orihinal na nagmula ang mga Austronesian sa bansang _____________.
A. Taiwan
B. Indonesia
C. China
D. Malaysia
C. China
Ano ang pangunahing relihiyon na pinatatag ng Pagan sa rehiyon?
A. Mahayana Buddhism
B. Theravada Buddhism
C. Hinduismo
D. Islam
B. Theravada Buddhism
Alin ang hindi kabilang sa mga pangunahing kabihasnan ng Timog-Silangang Asya?
A. Khmer
B. Srivijaya
C. Gupta
D. Majapahit
C. Gupta
Bakit umusbong ang pagsasaka sa mga kapatagan at lambak?
A. Dahil sa tagtuyot ng klima
B. Dahil sa malawak na disyerto
C. Dahil sa malamig na panahon
D. Dahil sa matabang kalupaan
D. Dahil sa matabang kalupaan
Alin sa mga sumusunod na pangkat etniko ang naninirahan sa Indonesia?
A. Javanese B. Kinh C. Tetum D. Hmong
B. Kinh
Maiuugnay sa mga Austronesian ang imbensyon ng bangkang may _________ na nagpakilala sa kanilang kakayahan sa sopistikadong paglalayag.
A. Katig
B. Lunday
C. Sagwan
D. Layag
A. Katig
Paano nakontrol ng Majapahit ang mga ruta ng kalakalan?
A. Sa pamamagitan ng diplomatikong kasunduan
B. Sa tulong ng malakas na hukbong pandagat
C. Sa paggamit ng kabayo
D. Sa pagtayo ng pader sa dagat
B. Sa tulong ng malakas na hukbong pandagat
Kung ikaw ay mangangalakal noong panahon ng Ayutthaya, anong kalakal ang maaari mong ipagpalit sa Europa?
A. Kape
B. Asukal
C. Kotse
D. Ginto
D. Ginto
Ang West Malaysia ay nasa Insular Southeast Asia
A. Tama
B. Mali
C. Walang tamang sagot
D. Hindi sigurado
B. Mali
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng uplander at lowlander?
A. Uri ng pamahalaan
B. Lugar ng paninirahan
C. Piling relihiyon
D. Lahi at kulay ng balat
B. Lugar ng paninirahan
Siya ang arkeologong Australian na naniniwala na ang pinagmulan ng mga ninunong Filipino ay ang mga Austronesian.
A. Austronesian
B. Peter Bellwood
C. Antonio Figafetta
D. Wilhem Solheim II
B. Peter Bellwood
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng Imperyong Khmer?
A. Pangingisda
B. Pagtatanim ng palay
C. Paggawa ng seda
D. Pagmimina ng ginto
B. Pagtatanim ng palay
Anong kabihasnan ang kilala sa higit 2,000 templong itinayo sa kabisera nito?
A. Pagan
B. Srivijaya
C. Ayutthaya
D. Majapahit
A. Pagan
Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang may pinaka-mababang populasyon?
A. Brunei B. Myanmar C. Pilipinas D. Indonesia
A. Brunei
Sa isang dokumentaryo, ipinakita ang isang sinaunang pinuno na may apat na asawa mula sa iba’t ibang tribo upang palakasin ang alyansa. Ano ang tawag sa ganitong uri ng kasal?
A. Patriyarkal B. Egalitarian C. Monogamy D. Polygamy
D. Polygamy
Binigyang-diin ng Mainland Origin Hypothesis na nagmula ang mga Austronesian sa Timog Tsina na naglakbay sa Taiwan at nagtungo sa hilagang Pilipinas. Mula sa Pilipinas ay nagtungo naman sa ________________.
A. China
B. Indonesia
C. Malaysia
D. Vietnam
B. Indonesia
Paano nakatulong ang heograpiya ng Ayutthaya sa pagiging sentro ng kalakalan?
A. Malapit sa kabundukan
B. Nasa gitna ng mga ruta ng dagat
C. May malawak na kapatagan
D. Malayo sa ibang bansa
B. Nasa gitna ng mga ruta ng dagat
Ano ang pangunahing kontribusyon ng Srivijaya sa pagpapalaganap ng relihiyon?
A. Islam
B. Hinduismo
C. Budismo
D. Kristiyanismo
C. Budismo
Ano ang epekto ng pisikal na kapaligiran sa kultura ng Timog-Silangang Asya?
A. Wala itong epekto sa kultura
B. Nabuo ang lokal na kabuhayan
C. Nawala ang wika’t tradisyon
D. Nagsimula ang digmaan dito
B. Nabuo ang lokal na kabuhayan
Sa isang talakayan, nabanggit mong galing ka sa egalitarian na pamilya. Ano ang tama mong paliwanag?
A. Pantay ang kapangyarihan ng magulang
B. Laging sinusunod ang utos ng ama
C. Babae lamang ang pinakikinggan
D. Lalaki lang ang nagdedesisyon sa lahat
A. Pantay ang kapangyarihan ng magulang
Ang “nusantao” ay hango sa mga salitang Austronesian na “nusa” at “tao” na nangangahulugang ____________________.
A. Mga tao mula sa kalupaan
B. Mga taong dagat
C. Mga taong naninirahan sa malalayong lugar
D. Mga taong isla
D. Mga taong isla
Kung pagsasamahin ang mga teritoryo ng Majapahit, Srivijaya, at Ayutthaya, ano ang magiging pangunahing koneksyon nila?
A. Pagkakaiba ng relihiyon
B. Pag-aalaga ng hayop
C. Pagmimina ng pilak
D. Kalakalan sa dagat
D. Kalakalan sa dagat
Ano ang isa sa mga estratehikong dahilan kung bakit yumaman ang Srivijaya?
A. Pagmimina ng diamante at mga ginto
B. Pagkolekta ng buwis sa mga daungan
C. Pag-aalaga ng baka
D. Pag-export ng kahoy
B. Pagkolekta ng buwis sa mga daungan