Ano ang Yogyakarta Principles?
A. Isang batas sa Pilipinas
B. Mga prinsipyo para sa karapatang pantao
C. Isang relihiyosong doktrina
D. Isang kasunduan sa kalakalan
B. Mga prinsipyo para sa karapatang pantao
Ang Republic Act na mas kilala bilang Magna Carta of Women ay __________.
9710
Saang lugar ginawa ang Yogyakarta Principles?
Yogyakarta, Indonesia
Ang Yogyakarta Principles ay isang batas na sapilitang ipinatutupad sa lahat ng bansa.
MALI
Ano ang Yogyakarta Principles?
Ang Yogyakarta Principles ay mga prinsipyo na gumagabay sa pagpapatupad ng karapatang pantao kaugnay ng seksuwal na oryentasyon at identidad ng kasarian.
Ano ang pangunahing layunin ng Yogyakarta Principles?
A. Ipagbawal ang pagkakaiba-iba
B. Itaguyod ang diskriminasyon
C. Protektahan ang karapatang pantao
D. Magtakda ng parusa sa mga kabataan
C. Protektahan ang karapatang pantao
Ang Yogyakarta Principles ay binuo noong taong ______.
2006
Ang dating UN Secretary General na nagsabing “LGBT rights are human rights.”
Ban Ki-moon
Inaprubahan ng United Nations ang CEDAW noong 2005.
MALI
Sino ang bumuo ng Yogyakarta Principles?
Ito ay binuo ng mga eksperto sa karapatang pantao mula sa iba’t ibang bansa.
Sino ang pangunahing pinoprotektahan ng RA 9262?
a. Lahat ng mamamayan
b. Kababaihan at kanilang mga anak
c. Mga kalalakihan
d. Mga opisyal ng pamahalaan
b. Kababaihan at kanilang mga anak
Ang Magna Carta of Women ay nakaayon sa pandaigdigang kasunduang __________.
CEDAW (Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women)
Prinsipyo ng Yogyakarta na tumutukoy sa karapatang lumahok sa buhay-pampubliko at pamahalaan.
Principle 25
Ayon sa Magna Carta of Women, pantay ang karapatan ng babae at lalaki sa lipunan.
TAMA
Ang Yogyakarta Principles ba ay isang batas na ipinapatupad sa lahat ng bansa?
Hindi, ito ay hindi batas kundi gabay o pamantayan para sa mga estado at institusyon.
Kailan naisabatas ang Magna Carta of Women?
a. 2004 b. 2006 c. 2009 d. 2015
c. 2009
Ang batas na naglalayong alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan sa Pilipinas ay __________.
Magna Carta of Women
Prinsipyo ng Yogyakarta na nagsasaad na ang parusang kamatayan ay hindi dapat ipataw batay sa oryentasyong seksuwal o identidad ng kasarian.
Principle 4
Ang RA 9262 ay nagbibigay proteksyon sa kababaihan lamang at hindi sa kanilang mga anak.
MALI
Bakit mahalaga ang Yogyakarta Principles sa lipunan?
Mahalaga ito dahil itinataguyod nito ang respeto sa pagkakaiba-iba at pinapalakas ang proteksyon sa karapatang pantao.
Alin ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
a. Babaeng guro
b. Babaeng estudyante
c. Babaeng biktima ng karahasan
d. Babaeng opisyal ng gobyerno
c. Babaeng biktima ng karahasan
Layunin ng Yogyakarta Principles na labanan ang ________ batay sa seksuwal na oryentasyon at identidad ng kasarian.
Diskriminasyon
Batas na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki at kumikilala na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
Magna Carta of Women (RA 9710)
Ang Yogyakarta Principles ay gumagabay sa mga estado at institusyon sa paggalang sa karapatang pantao.
TAMA
Paano nakatutulong ang Yogyakarta Principles sa laban kontra diskriminasyon?
Nagbibigay ito ng malinaw na gabay kung paano igagalang at poprotektahan ang karapatan ng mga taong madalas na nakararanas ng diskriminasyon.