Ito ay tumutukoy sa tamang pagbabaha-bahagi ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang tumugon sa nagpapaligsahang gusto o kailangan ng mga tao.
Alokasyon
Ang gustong ibigay ng tagapaglikha ng produkto. Tulad halimbawa ng pag-aalok ng mas mura pero de-kalidad na produkto o serbisyo ng isang kumpanya.
Incentives
Ang sistemang ito ay kinapapalooban ng elementong pamilihan at pinag-utos na ekonomiya.
Pinaghalong Ekonomiya
Ano ang tinatawag na kabayaran sa kita ng isang entrepreneur matapos maisakatuparan ang tagumpay sa negosyo?
Tubo/Profit
Ang nabuong produkto ay tinatawag na ________
Output
Ito ay ang proseso ng paggawa o pagbuo ng mga produkto o serbisyo na siyang tutugon sa mga pangangailangan ng tao.
Produksiyon
Tumutukoy sa institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang mga paraan ng produksiyon, pagmamay?ari at paglinang ng mga pinagkukunang yaman at pamamahala ng mga gawaing pang ekonomiko sa lipunan.
Sistemang Pang Ekonomiya
Sa konsepto ng ekonomiks kapag sinabi nating_____ hindi lamang ito tumutukoy sa lupang sinasaka o tinatamnan ng mga magsasaka bagkus ito rin ay tumutukoy sa lahat ng yamang likas na matatagpuan sa ibabaw at ilalim nito. Tulad ng yamang mineral, yamang tubig at yamang gubat.
Lupa
Ang mga karpintero, drayber, magsasaka ay mga halimbawa ng__________
Blue Collar Job
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
- Kadalasan, tayong mga mamimili ay madaling maimpluwensyahan ng mga bagay na ating nakikita o naririnig. Ang telebisyon, radyo at maging ang social media ay nagiging kasangkapan upang tayo ay mahikayat na bumili.
Demonstration effect
Ang kapalit ng pinili nating desisyon kung saan isinasakripisyo natin ang isang bagay kapalit ng pinili natin. Mahalaga ito sapagkat sa pamamagitan nito ay maaring mong masuri ang mga pagpipilian upang makabuo ng magandang resulta.
Trade-Off
Sa sistemang ito, ang pagsagot sa mga katanungan pang ekonomiko ay nakabatay lamang sa kanilang paniniwala, kultura at tradisyon.
Tradisyunal na Ekonomiya
Ito ay ang sinasabing pinakamahalagang salik ng produksiyon dahil ang mga likas na yaman, mga hilaw na materyal o sangkap ay hindi maipoproseso kung wala ang mga manggagawa.
Lakas Paggawa
Ang pagtatatag ng samahan ay isang pwersang magtataguyod sa atin upang mapangalagaan natin ang ating mga karapatan bilang mamimili.
Pagkakaisa
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
Ang pagkakaroon ng pagbabago sa ____ ay nangangahulugan ng paglaki o pagliit ng pagkonsumo ng isang mamimili.
Kita
Tumutukoy sa halaga ng isang bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa mo ng desisyon.
Opportunity Cost
Sa sistemang ito may kalayaan ang bawat tao na pumasok sa mekanismo ng pamilihan at hindi nanghihimasok ang pamahalaan sa aktibidad ng ekonomiya.
Pampamilihang Ekonomiya
Binubuo ang _______ ng mga gawang tao na ginagamit sa paggawa ng produkto at serbisyo.
Kapital
Ang pagkain, Tirahan at damit ay halimbawa ng
Pangangailangan o Kagustuhan
Pangangailangan
Ito ang tawag sa mga taong gumagamit o bumibili ng mga produkto o serbisyo.
Konsyumer
Tumutukoy ito sa pangmatagalang kalagayan kung saan ang mga pinagkukunang-yaman ay hindi sapat para matugunan ang mga hindi maubos-ubos na pangangailangan ng tao.
Kakapusan
Sa sistemang ito tanging estado o pamahalahan ang nagdidikta ng patakaran sa kalakalan, alinsunod sa planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya.
Ipinag-utos na Ekonomiya
Hindi maisasakatuparan ang mga tatlong naunang salik ng produksiyon kung wala ang ___________ dahil tumutukoy ito sa kakayahan at kagustuhan ng tao na magsimula ng negosyo.
Entrepreneurship
Ang _______ ay ang mga bagay na kailangan natin para makabuo ng produkto.
Input
Nakatakda sa Republic Act _____ (Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili.
RA 7394