This is the lawyer who launched the satyagraha and led the widespread boycott of government offices and non-payment of taxes.
Mohandas Gandhi
Ito ang bansang Kaluranin na nagkaroon ng ugnayan sa Imperyong Ottoman, kaya naman nasangkot ang Imperyo sa Unang Digmaang Pandaigdig.
Alemanya
Ito ang bilang mga delegado na mula sa mga lalawigang nasasakupan ng pamahalaang Briton sa India na bumuo ng Indian National Congress noong 1885.
70
Ito ang deklarasyon ng pagtatatag ng estado para sa mga Hudyo sa Palestine.
Balfour.
Ito ang isa sa pinakamalaking lalawigan sa India na matatagpuan sa hilagang silangan, at napagpasyahan ni Lord George Nathaniel Curzon na hatiin ito sa dalawa noong 1905.
Bengal.
Ito ang kasunduan ng tigil-putukan noong ika-30 ng Oktubre 1918 na napilitan ang Imperyong Ottoman na tanggapin at naging hudyat ng pagkatalo ng Imperyo sa Unang Digmaang Pandaigdig.
Armistisyo ng Mudros.
Ito ang masaker na umaabot sa higit tatlong daang tao ang namatay at isang libo ang nasugatan nang paputukan ng mga sundalong Briton ang mga Sikh na mapayapang nagdaraos ng protesta noong ika-13 ng Abril 1919.
Masaker sa Amritsar.
Ito ang naging hari ng Imperyong Ottoman ngunit sa titulo lamang, dahil ang tunay na nagpapatakbo ng impeyo ay ang Young Turks Movement matapos ang kanilang inilunsad na rebelyon.
Mehmed V
Ito ang nakilala bilang “Lawrence of Arabia”.
Thomas Edward Lawrence.
Ito ang nagpabago sa pananaw ng mga taga-India tungkol sa katayuan at kalagayan nila sa sarili nilang bansa sa panahon ng mga Briton.
Edukasyon.
Ito ang pangkat na nakapagtaboy sa puwersa ng Allied Powers sa labanan sa Gallipoli sa Kipot ng Dardanelles dahil sa estratehikong lokasyon ng lugar.
Ottoman.
Ito ang panukala na ipinatupad ng pamahalaang Briton noong Marso 1919 na nagtanggal sa ilang mahahalagang karapatan ng mamamayan at nagpaigting sa mga pagkilos sa India.
Rowlatt Acts.
Ito ang protesta sa India na naglalayong wakasan ang monopolyo ng paggawa ng asin ng mga Briton na pinangunahan ni Gandhi.
Salt March.
Ito ang sikretong kasunduan ng mga Briton at Pranses upang mapasailalim sa kanila ang mga teritoryong Arabe at nilagdaan noong 1916 na may pagsang-ayon ng Rusya.
Sykes-Picot.
Ito ay isang damdaming makabayan na naipapakita sa pamamagitan ng pagmamahal, pagpapahalaga, at paglilingkod sa inang bayan.
Nasyonalismo.
Ito ay isang edukadong Indian na nanguna sa pagbuo ng kilusang nasyonalista na humingi ng mga agarang pagbabago sa pamamahala ng mga Briton at itinatag ang Indian National Association noong 1876.
Surendranath Banerjee.
Ito ay itinatag ni Muhammad Ali Jinnah upang magkaroon ang mga Muslim ng mas malakas na boses at higit na aktibong pakikibahagi sa kilusang nasyonalista sa India.
All-India Muslim League.
Ito ay sumiklab noong Agosto 1914 dahil sa pagkakaroon ng alyansa ng mga bansang Europeo upang maisakatuparan nila ang kanilang interes dahil sa pag-uunahan sa teritoryo.
Unang Digmaang Pandaigdig.
Anong mga Bansa ang kinabibilangan ng Central Powers?
Alemanya, Austria-Hungary, Bulgaria, at Imperyong Ottoman.
Anong mga Bansa ang kinabibilangan ng Allied Powers?
Rusya, Pransiya, Britanya, Italya, Belgium, Serbia, at Amerika.
Anong mayroon sa Kasunduang Sykes-Picot?
Nahati ang teritoryong Arabe sa pagitan ng tatlong bansa at nagkaroon sila ng direktang pamamahala at impluwensiya sa mga ito.
Britanya - Palestine, Transjordan, (Jordan), at Iraq.
Pransiya - Syria at Lebanon.
Rusya - Armenia
Ito ang nakararaming kasapi ng Indian National Congress.
A. Edukado
B. Hindu
C. Mayayaman
D. Elitista
Ang programa na Young Turks Movement na itinaguyod ng Alemanya kaya naman ang imperyo ay hindi maiwasang masangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig.
Pagpapaunlad ng sistema ng riles ng tren.
Ang tunay na layunin ni Lord Goerge Nathaniel Curzon sa paghahati sa Bengal sa dalawa, ang Kanluran at Silangan.
Paigtingin ang alitan ng mga Muslim at Hindu upang mahadlangan ang lumalakas na impluwensiya ng INC sa Bengal.
Labis na ikinagalit ng mga Indian ang nangyari sa Jallianwala Bagh, Amritsar.
Pinaputukan ng mga sundalong Briton ang mga Sikh na mapayapang nagdaraos ng protesta.