Kung ang pagpapantig ay tumutukoy sa bilang ng bigkas ng salita, ilang pantig ang mayroon sa salitang KADAKILAAN?
5
Tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
ponemang suprasegmental
Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila magsimula sa panganay ay Enero, Pebrero, Marso Abril at__________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?
si Mario. Ito ay halimbawa ng palaisipan.
Sadyang kaygaganda ng pulang rosas na paboritong ibigay sa babaeng sinisinta tuwing araw ng mga puso. a. uri ng bulaklak na kulay pula
b. sumisimbolo ng pag-ibig
a. uri ng bulaklak na kulay pula
Napakaganda ng panahon kapag kulay bughaw ang langit.
a. bahagi ng mundo na natatakpan ng ulap
b. pakiramdam ng taong walang problema
a. bahagi ng mundo na natatakpan ng ulap
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang paula at kalimitang maikli lamang.
a. Tulang/Awiting Panudyo b. Tugmang de-gulong
c. bugtong d. palaisipan
c. bugtong
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
ANTALA
Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita
DIIN
Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
a. Tulang/Awiting Panudyo b. Tugmang de-gulong
c. bugtong d. palaisipan
d. palaisipan
Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
TONO
Ito ang literal na pagpapakahulugan sa isang salita. Karaniwang makukuha ito sa diksiyonaryo.
DENOTASYON
Ito ay paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan.
a. Tulang/Awiting Panudyo b. Tugmang de-gulong
c. bugtong d. palaisipan
b. Tugmang de-gulong
Mapait na karanasan ang sinapit ng ina sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
a. isang uri ng panlasa
b. kabiguan at paghihirap na dinanas sa buhay
b. kabiguan at paghihirap na dinanas sa buhay
Ito ang kahulugan ng salita o pahayag kapag ito ay hindi tuwiran.
KONOTASYON
Isang uri ng akdang patula na kadalasang may layuning manlibak, manukso o mang-uyam. Kilala rin sa tawag na Pagbibirong patula.
a. Tulang/Awiting Panudyo b. Tugmang de-gulong
c. bugtong d. palaisipan
a. Tulang/Awiting Panudyo