Magsikap ka sa buhay kung ayaw mong magdildil ng asin balang araw.
Maghirap
Ayaw pang magpaligaw ni Olga dahil sya ay may gatas pa sa labi.
Bata pa
Kapansin-pansin ang biglaang pagdami ng mga laman ng lansangan nitong mga huling taon.
Palaboy
Ang aking mga mag-aaral sa Filipino ay laging nagsusunog ng kilay.
Magsisikap sa pag-aaral
Laging bukas ang palad ng pamilyang Santos kung kaya sila’y hinahangaan ng buong bayan.
Mapagbigay
Pabalat-bunga lamang ang kabutihang ipinakikita niya sa iyo. Mag-iingat ka.
Hindi tapat
Mag-iingat ka sa pagpapapasok sa inyong bahay ng mga bisitang malilikot ang kamay.
Magnanakaw
Aanyayahan kita sa nalalapit kong pagmamahabang-dulang.
Pagpapakasal
Kawawa naman ang alilang-kanin na si Perla.
Utusang walang bayad
Ang alimuom naman po ninyo.
Kumukulo ang aking dugo kapag nakikita ko ang taong iyan.
Eksaherasyon
Masasakit na sinturon ang tinanggap ng bata.
Pagpapalit-tawag
Ano ang buong pangalan ng ating guro sa asignaturang ito?
Maria Rizalie S. Lindo
Iwasan mo ang maging balat-sibuyas kung nais mong magtagumpay sa showbiz.
Maramdamin
Madalas siyang mapagalitan ng kanyang ina dahil sa nakagawain niyang pagtataingang-kawali
Pagbibingi-bingihan
Ang bituka ng baboy ay bumulwak.
Pag-uulit
Lason sa akin ang ginawa mong pagtataksil sa ating pagmamahalan.
Pagwawangis
Nahiya ang buwan sa kanilang kabastusan.
Pagtatao
Sampung nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa lalaking criminal.
Paglilipat-saklaw
Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at mamahalin?
Tanong Retorikal
Abalang-abala sa gawain ang mga haligi ng tahanan.
Pagpapalit-tawag
Kawangis mo’y isang papel na inaanod sa agos ng buhay.
Pagtutulad
Napakaganda nyang lumakad, naiiwan ang puwit!
Pag-uyam
Kahit kailan ni anino ng tatay niya ay hindi niya nakita
Paglilipat-saklaw
Hindi na uso ngayon ang naniningalang-pugad.
Nanliligaw