Pangngalan
Panghalip
Pandiwa
Pang-uri
Pang-abay
2

Ano ang pangngalan?

Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, at mga pangyayari. 

2

Ano ang panghalip?

Ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa pangngalan. 

2

Ano ang pandiwa?

Ito ay salitang nagsasabi ng kilos o galaw. 

2

Ano ang Pang-uri?

Ito ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip. 

2

Ano ang pang-abay?

Ito ang tawag sa salita o mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. 

4

Magbigay ng halimbawa ng tatlong karaniwang pangngalan o pambalana. 

Pambalana - karaniwang ngalan at nagsisimula ang unang letra sa maliit na letra.

Pantangi - tiyak na ngalan at nagsisimula sa malaking letra. 

4

Magbigay ng tatlong halimbawa ng panghalip panao. 

Panao - panghalili sa ngalan ng tao. Hal. ako, kami, ikaw, kayo, atpb. 

4

Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga pandiwa. 

talon, usap, takbo, higa, atbp. 

4

Magbigay ng tatlong halimbawa ng pang-uri para ilarawan ang isang pusa. 

Maamo, makulit, mabalahibo, atbp. 

4

Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga pang-abay na naglalarawan kung paano isinagawa ang isang bagay. 

naglampaso ng mabilis

tumakbo ng matulin

masayang sumusuporta

6

Magbigay ng halimbawa ng tatlong pangkaraniwang ngalan na di nakikita o nahahawakan pero nadarama, naiisip, nagugunita, o napapangarap. 

Tahas o Kongkreto -nakikita, nahahawakan, o nadarama. Hal. puno, bulkan, baka, ginto atpb.

Basal o Di Kongkreto - di nakikita o nahahawakan pero nadarama. Hal. kagandahan, kalinisan, kalayaan, kaunlaran, atbp. 

Lansakan - pangkat ng iisang uri ng tao o bagay. Hal. angkan, kaban, lahi atpb. 

6

Magbigay ng tatlong halimbawa ng panghalip pamatlig. 

Pamatlig - ginagamit sa pagtuturo ng pangngalan. Hal. ito, iyan, doon, eto, ayan, ganito, atbp. 

6

Magbigay ng tatlong halimbawa ng pandiwang may panlapi. 

tumalon, lakarin, magluto, nilipad, atbp. 

6

Magbigay ng tatlong halimbawa ng pang-uring naghahambing. 

Lantay - naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip. hal. mabait

Pahambing - naghahambing ng magkatulad at di magkatulad. hal. magsingbait, di gaano mabait, mas mabait. 

Pasukdol - paghahambing sa higit na dalawang bagay. hal. pinakamabait, talagang mabait. 

6

Magbigay ng tatlong halimbawa ng pang-abay na  kailan ginawa o gagawin ang kilos. 

kanina. kahapo, noon, atbp. 

8

Tukuyin ang pangngalan sa pangungusap. 

Nahuli ng pusa ang daga subalit nakawala ang daga sa pagkakahuli ng pusa. 

Nalungkot ang pusa sa pagkatakas ng daga kaya ang pusa ay naghanap ng makakain.  

Nahuli ng pusa ang daga subalit nakawala ang daga sa pagkakahuli ng pusa. 

Nalungkot ang pusa sa pagkatakas ng daga kaya ang pusa ay naghanap muli ng makakain. 

8

Tukuyin nag mga panghalip sa pangungusap.
Dapat niyang dalhin ang kaniyang aklat sa klase. 

Dapat niyang (panao)dalhin ang kaniyang (panao)  aklat sa klase.

8

Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap. 

Siya ay kumakanta nang mahusay kaya siya pinalakpakan ng mga manonood.

Siya ay kumakanta nang mahusay kaya siya pinalakpakan ng mga manonood.

8

Tukuyin ang pang-uring ginamit sa pangungusap. "Ang malaking pulang lobo ay tumalon nang mataas mula sa lupa."

"Ang malaking pulang lobo ay tumalon nang mataas mula sa lupa."

8

Tukuyin ang Pang-abay sa pangungusap. 

"Mabilis niyang tinapos ang kaniyang gawain."

Mabilis niyang tinapos ang kaniyang gawain.

10

Ang "kasiyahan" ba ay isang karaniwan o tiyak na pangngalan? Bakit? 

Ito ay karaniwang pangngalan o Pambalana dahil nagsisimula sa maliit na letra at ito ay isang di kongreto o  basal na pangngalan karaniwang nadarama ng tao. 

10

Ipaliwanag ang gamit o papel ng mga panghalip sa sarili sa isang pangungusap. 

Ito ay ginagamit na panghalili o pamalit sa pangngalan. 

10

Anong aspekto ng pandiwa ang "nagsasalita"? Bakit?

Imperpektibo - dahil ang isinasaad ng kilos ay ginagawa o palaging isinasagawa 0 hindi pa tapos. 

10

Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pang-uring pamilang at pang-uring pantangi?

Pamilang - mga salitang nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan. hal. isa, ikatlo, kalahati, apatan, sandaang piso, at aapat. 

Pantangi - binubuo ng pangngalang pambalana at pangngalang pantangi. hal. bagoong Ilocos, pancit Malabon, kabataang Pilipino atbp. 

10

Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pang-abay na pamaraan, panlunan, at pamanahon. 

Pamaraan - sumasagot sa tanong na paano

Panlunan - sumasagot sa tanong na saan

Pamanahon - sumasagot sa tanong na kailan

                 ang pandiwa sa pangungusap. 

M
e
n
u