Kung ang "Roasted Turkey" ay hinahanda tuwing Thanksgiving, ano naman ang tawag ng mga Pinoy sa "Roasted Pig"?
LECHON BABOY
Sino ang composer ng kantang "Christmas in Our Hearts"?
JOSE MARI CHAN
Tuwing Pasko, ilang araw ginaganap ang simbang gabi o Misa de Gallo?
9
Sinong pangulo ng Pilipinas ang may apelyido na kapangalan ng ibinibigay ng ninong at ninang tuwing Pasko?
EMILIO AGUINALDO
Sa pelikula, sino ang bumababa sa chimney tuwing Pasko para mamigay ng regalo?
SANTA CLAUS
Sa Pinoy food, ano sa Tagalog ang "soy bean curd with tapioca and syrup"?
TAHO
Ayon sa Pinoy folk song na "Sitsiritsit", ang babae sa lansangan kung gumiri ay parang...?
TANDANG
Ayon sa kantang "Ang Pasko ay Sumapit", sa anong kaganapan dapat magbagong buhay?
BAGONG TAON
Ilang taon sinakop ng Espanya ang Pilipinas?
333 taon
Sino ang tatlong actor na original hosts ng Eat Bulaga?
TITO, VIC AND JOEY
Anong mapait na gulay ang karaniwang sangkap ng pinakbet?
AMPALAYA
Sa Pilipinas, sino ang tinaguriang Pambansang Kamao?
MANNY PACQUIAO
Sa anong Philippine province matatagpuan ang mga bayan ng Atimonan, Gumaca at Infanta?
QUEZON
Kailan ipinagdiriwang ang "Araw ng Kagitingan"?
APRIL 9
Ano ang pinakamahabang teleseryeng ipinalabas sa telebisyon dito sa Pilipinas?
ANG PROBINSYANO
Anong Pinoy food ang kilala sa Ingles na "chocolate rice porridge"?
CHAMPORADO
Sa music, sino ang kumanta ng hit song na "Galway Girl"?
ED SHEERAN
Kung ang taong "Vegetarian" ay kumakain ng gulay, ano naman ang tawag sa kumakain ng tao?
CANNIBAL
Ano ang ibig sabihin ng ikatlong "K" sa abbreviation ng Pinoy revolutionary group na "KKK"?
KATIPUNAN
Sa pelikula, ano ang isinisigaw ni Narda pagkatapos lunokin ang puting bato?
DARNA
Ang Sodium Chloride (NaCl) ay karaniwang kilala sa tawag na...?
SALT o ASIN
Sa anong sports nakilala si Hidilyn Diaz?
WEIGHTLIFTING
Ano ang pinakamataas na bundok ng Pilipinas?
MT. APO
Anong limang probinsya ang kabilang sa CALABARZON?
CAVITE, LAGUNA, BATANGAS, RIZAL, QUEZON
Anong movie title ng nanalong Best Picture sa 2021 IBS Film Festival?
IT TAKES A MAN AND A WOMAN